Iba't Ibang Uri ng Teksto Flashcards
Ay nagtataglay ng tiyak ng
impormasyon patungkol sa
bagay, tao, lugar, o pangyayari.
Hindi ito naglalaman ng opinyon
kung kaya ang tono nito ay
kadalasang obhetibo.
Ito rin ay kadalasang sumasagot sa
mga tanong na ano, sino,
at paanotungkol sa isang paksa.
Masasabi ring ang tekstong
impormatibo ay hindi nagbibigay ng
opinyong pabor o sumasalungat sa
posisyon o paksang pinag-uusapan.
Tekstong Impormatibo
Isang tekstong naglalarawan. Ito ay
naglalaman ng mga impormasyong
may kaugnayan sa mga katangian ng
tao, bagay, lugar, at pangyayaring
madalas nasasaksihan ng tao sa
paligid.
Tekstong Deskriptibo
2 Uri ng Tekstong Deskriptibo
- Teknikal
- Impresyonistiko
Naglalayon itong
maglarawan sa
detalyadong
pamamaraan.
2 Uri ng Tekstong Deskriptibo
Halimbawa:
1. Ang ngiting matipid ay
bahagya lamang ang
ginagawang pagkibot ng bibig.
2. Ang ngiting mapagbigay ay
laging nakangiti
Deskripsiyong Teknikal
Naglalayon itong
maglarawan ayon sa
pansariling pananaw o
personal na saloobin.
2 Uri ng Tekstong Deskriptibo
Halimbawa:
1. Ang matamis na ngiti ay maaaring
maghatid ng kasiyahan at maging
simula ng magandang
pagkakaibigan.
2. Ang pagngiti ay nakatutulong
upang magmukha kang bata
Deskripsiyong Impresyonistiko
2 Anyo ng Tekstong Deskriptibo
Karaniwan at Masining
Ito ay isang paglalarawang
hindi sangkot ang damdamin.
Sa ganitong anyo, ang
paglalarawan ay ayon sa
nakikita ng mata
2 Anyo ng Tekstong Deskriptibo
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay isa lamang sa
bansang napaliligiran ng mga
karagatan.
Paliwanag:
Obhetibo ang paraan ng
paglalarawan dahil wala itong
sangkot na damdamin
Karaniwan (Obhetibo)
Ito ay isang paglalarawang
naglalaman ng damdamin at
pananaw ng taong
naglalarawan. Naglalayon itong
pukawin ang guniguni ng
mambabasa.
2 Anyo ng Tekstong Deskriptibo
Halimbawa:
- Patuloy siya sa paglakad nang
pasagsag habang pasan ang
kaniyang anak na maputla pa ang
kulay sa isang papel.
Paliwanag:
- Subhetibo ang paglalarawan dahil
naglalaman ng damdamin at
pananaw
Masining (Suhetibo)
- Naglalayon itong manghikayat ng
mga mambabasa o tagapakinig. - Ito ay isa sa mahahalagang uri ng
tekstong ginagamit sa radyo at
telebisyon. - Ito rin ay isang
mahalagang kasanayang dapat
matutunan ng tao - Nararapat na maging maganda ang
nilalaman nito upang makuha ang interes
ng mga mambabasa, manonood, at
tagapakinig. - Ito ay dapat ginagamitan ng mga
salitang nakagaganyak, tulad na lamang
ng mga dahilan kung bakit dapat iboto ang
isang kandidato o kung bakit dapat bilhin
ang isang produkto
Halimbawa:
- Mga advertisement sa radyo at
telebisyon
- Talumpati sa
pangangampanya at rally
Tekstong Persuweysib
3 Paraan ng Persuweysib
- Apelang Etikal
- Apelang Emosyonal
- Apelang Lohikal
Ipinaalam ng may-akda na dapat
siyang pagkatiwalaan ng mga
mambabasa dahil sapat ang
kaniyang kaalaman sa
isyu.Gumagamit siya ng mga
sangguniang awtoritativ o ng
mga ideya ng mga eksperto
3 Paraan ng Persuweysib
Apelang Etikal
Kinakatok ng mambabasa ang damdamin ng mambabasa. Gumagamit siya ng mga salita, parirala at pangungusap na nakaaantig sa damdamin.
3 Paraan ng Persuweysib
Apelang Emosyonal
Gumagamit ang may-akda ng argumento. Ang argumento ay binubuo ng batayan (premise) at ng kongklusyon. Ang batayan ay resulta ng obserbasyon. Ang kongklusyon naman ay nagmumula sa obserbasyon.
3 Paraan ng Persuweysib
Apelang Lohikal
3 Paraan ng
Panghihikayat Ayon
kay Aristotle
- Ethos
- Pathos
- Logos
Naiimpluwensyahan
ng karakter at kredibilidad ng
tagapagsalita ang paniniwala ng
mga tagapakinig. Sa ganitong
paraan, kailangang nagtataglay
ng sapat na kasanayan sa
pamamahayag ang isang
manunulat o tagapagsalita.
3 Paraan ng Panghihikayat Ayon kay Aristotle
Ethos