Iba't Ibang Teksto Part 2 Flashcards
Mga Konsepto ng Tekstong Naratibo
- Isang anyo ng pagpapahayag na may layuning magsalaysay o magkuwneto ng mga pangyayari o kawil ng mga pangyayari.
- Maaaring mahaluan ang pagsasalaysay ng paglalarawan at pangangatuwiran.
- Iniiwasan din dito ang mga maliligoy na salita upang maiangkop ang pagpapahayag sa mga pangyayaring isinasalaysay. Sa paraang ito, nabibigyang-diin ang pangunahing ideya.
- Higit itong nakakaapekto sa damdamin o emosyon ng isang manunulat at mambabasa.
Uri ng Tekstong Naratibo
Pormal - May seleksyon at organisasyon.
Di-Pormal - Simpleng kuwentuhang pang-araw araw.
Porma ng Tekstong Naratibo
- Pagsasalaysay na Nagpapabatid - Kasaysayan,
Pakikpagsapalaran,
Anektoda, Kathang salaysay - Masining na Pagsasalaysay - Alamat, Pabula, Maikling Kuwento, Dula, Nobela.
Pananaw ng Tekstong Naratibo
- Unang Panauhan - Personal ang tono (Ako, akin, kami, natin, tayo)
- Ikatlong Panauhan - May distansya (sila, niya, kanila, siya, nila).
Mga Katangian ng Mabisang Tekstong Nagsasalaysay
- Nakapupukaw-pansin sa Pamagat - taglay nito ang pagiging maikli, kawili-wili, kapana-panabik, may misteryo, orihinal at hindi katawa-tawa.
- Ginagamitan ng Sanhi at Bunga - sa pamamagitan nito ay mapagdurugtong-dugtong ang mga pangyayari. Kinakailangan ang angkop na pagtataya sa mga katibayan spang mapatuyan na sanhi at bunga ing pangyayari.
- Tempo - mainam na matukoy din ang tempo na tumurukoy sa bagal o bitis ng mga pangyayan.
-
Ayos ng Pagsasalaysay - sa pagkukuwento ay hindi paggamit ng mga flashback o foreshadoeing,
maiiwasan ong kaya hindi palaging
kronolohiko o magkakasunod-sunod ang pagsasalaysay. - Kaisahan - mahalaga ang pagkakaroon ng kaisahan ng tauhan, pook, at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Mga Gabay sa Pagsulat ng Tekstong Nagsasalaysay
- Pagpili ng Paksa - sa pagpili ng paksa ay mahalagang dapat maliwanag ang pag-aayos ng mga kaganapan at mga salitang magbibigay ng karagdagang paliwanag o detalye.
- Panauhan - mahalagang matukoy kung una o ikatlong panauhan ang gagamitin sa pagsasalaysay.
- Pagtukoy sa iba pang layunin - bukod sa layuning makapagsalaysay ng mga kuwento, mahalagang matukoy ang iba pang layunin Halimbawa, nais bang magturo, manghikayat o manlibang ng mga mambabasa.
- Gamit na Salita - sikaping ang mga salitang ginagamit ay umaangkop sa mga pahayag, tono, at pananaw na mauunawaan ng mga mambabasa
- Konsistent - tiyakin ang mga inilalahad na impormasyon, damdamin, pananaw (panauhan), mga salitang ginagamit ay hindi nagbabago sa simula hanggang sa wakas ng salaysay.
Nakakatulong
sa pagpapadaloy ng isang tekstong naratibo
Cohesive Devices
Pagpapahayag ng Dahilan o Resulta ng Isang pangyayari o Kaganapan
Kaya/Kaya naman, Dahil/Dahil sa/sa mga, Sapagkat, Bunga nito, Dahil dito
Pagapapahayag ng Kondisyon-Kinalabasan
Sana, Kung, Kapag, Sa Sandaling, Basta.
Pagpapahayag ng Pagbabago ng Paksa o Tagpuan
Gayon pa man/Ganoon pa man, Samantala, Sa kabilang dako/banda, Sa isang banda.
Pagpapahayag ng Sabay na Kalagayan o Pangyayari
Kasabay nito/niyan, Kaalinsabay nito/niyan.
Pagpapahayag ng Pagbibigay
linaw, Pagbubuod, at Paglalahat
Sa madaling salita/sabi, Bilang paglilinaw, Bilang pagwawakas, Bilang Kongklusyon, Kung gayon, samakatuwid
Mga Konsepto ng Tekstong Prosidyural
- Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng mga pangyayari upang hindi makalikha ng anomang kalituhan.
- Tumutukoy ang prosidyural sa pagsusunod-sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa. Kinakapaloob nito ang pagbibigay ng direksyon, tuntunin, at maging ang panuto.
- Ginagamit sa pagpapaliwanag ng prosesyo na may pag-iingat na ipinapakita ang mga hakbang habang tinitiyak na walang nakaligtaang hakbang sa kabuuan ng proseso.
Mga Katangian ng Tekstong Prosidyural
- Layunin - dahilan kung bakit gagawin ang isang proseso.
- Mga Kagamitan - Nakatala ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga gamit sa proseso.
- Metodo - ang mga pamamaraan o serye ng mga hakbang
- Ebalwasyon - pagsukat sa kinalabasan ng pamamaraan.
Tatlong Uri ng Tekstong Prosidyural
Sekwensiyal - Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay Ginagamit ng mga salitang tulad ng “una, pangalawa, pangatlo, at susunod.”
Kronolohikal - Pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang detalye ayon sa pagkaganap nito. Karaniwang gumagamit ng tiyak na petsa o araw upang ipabatid kung kailan naganap ang mga pangyayari.
Prosidyural - Pag-iisa-isa o enumerasyon ng mga hakbang at proseso upang maipaliwanag ang gawain.