Module 1: Ang Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasya Flashcards
3 Uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan/Accountability Ayon kay Aristoteles
- Kusang-Loob
- Di Kusang-Loob
- Walang Kusang-Loob
Kilos na may kaalaman at pagsang-ayon
KUSANG-LOOB
ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkakaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito
KUSANG-LOOB
may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon
DI KUSANG-LOOB
makikita ito sa kilos na hindi isinasagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
DI KUSANG-LOOB
ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos
WALANG KUSANG-LOOB
ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa
WALANG KUSANG-LOOB
May Dalawang Uri ng Kilos ng Tao
- Kilos ng Tao (acts of man)
- Makataong Kilos (human acts)
uri ng kilos na nagaganap sa tao
KILOS NG TAO
uri ng kilos na likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob
KILOS NG TAO
uri ng kilos na masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito
KILOS NG TAO
ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab, at iba pa
KILOS NG TAO
ang kilos na ito ay karaniwang tinatawag na kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito
MAKATAONG KILOS
kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa
MAKATAONG KILOS
ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito
MAKATAONG KILOS