Mga Salik Na Nakakaapekto sa Paggawa ng Kilos at Pasya Flashcards
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGGAWA NG KILOS AT PASIYA(5)
- KAMANGMANGAN
- MASIDHING DAMDAMIN
- TAKOT
- KARAHASAN
- GAWI
ito ay nakaaapekto sa kahihinatnan ng kilos sapagkat ito ay tumutukoy sa kawalan ng kasalatan o kaalaman na dapat taglay ng isang tao.
KAMANGMANGAN
Mahalagang tandaan na may obligasiyon ang bawat tao na alamin ang tama at mabuti, mali at masama. Nawawala ang dangal ng konsensiya kapag ipinagwalang-bahala ang tao ang katotohanan at kabutihan.
KAMANGMANGAN
Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghangad na makaranas ng kaligayahan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.
MASIDHING DAMDAMIN
ay likas na sa tao kaya may pananagutan ang tao na pangasiwaan ang kaniyang emosyon dahil kung hindi, ang emosyon ang magkokontrol sa tao
MASIDHING DAMDAMIN
ay maaari sobrang kasiyahan, kalungkutan at paninibugho.
MASIDHING DAMDAMIN
Dalawang uri ng ng Damdamin:
a. nauuna (antecedent)
b. nahuhuli (consequent)
uri ng damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi sinadya.
NAUUNA (ANTECEDENT)
damdaming sinadyang inalaagan kaya ang kilos ay sinadya at may pagkukusa.
NAHUHULI (CONSEQUENT)
ito ay pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
TAKOT
Pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa
KARAHASAN
ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya.
KARAHASAN
Ang iba’t ibang anyo ng karahasan ay kinikilala bilang mga isyu sa karapatang pantao, kabilang ang mga pagpapahirap, karahasan laban sa kababaihan, at karahasan laban sa mga bata.
.
Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay tinuturing na
GAWI (HABITS)
Maraming gawa o kilos ang tinatanggap na ng lipunan dahil ang mga ito bahagi na ng pang-araw araw na gawain ng tao. Bilang bahagi ng sistema, may posibilidad na ituring ang mga ito na katanggap-tanggap na kilos na noong una ay hindi naman.
GAWI