Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos Flashcards
makikita sa () ng isang makataong kilos kung ito at masama o mabuti dito mapapatunayan kung bakit ginawa o nilayon ang isang bagay.
LAYUNIN
ayon kay (), ang kilos o gawa hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti
ARISTOTELES
ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa () kung bakit ginawa ito
INTENSYON
ayon kay (), hindi lahat ng kilos ay obligado
SANTO TOMAS
ang isang () ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari
gawa o kilos
dapat piliin ng tao ang mas mataas na () - () ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin
KABUTIHAN
ayon kay () may eksepsiyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos
ARISTOTELES
Apat Na Elemento Sa Proseso ng Pagkilos
- Paglalayon
- Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin
- Pagpili ng pinakamalapit na paraan
- Pagsasakilos ng paraan
Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong kilos?
Kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos na sa kaniya ang kapanagutan ng kilos.
PAGLALAYON
Ang pamaraan ba ay tugma sa pag- abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran.
Halimbawa:
Ang pagbibigay ng regalo sa kaklase o kaya ay pagiging mabait sa kaniya upang makapangopya sa panahon ng pagsusulit.
Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin
Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang- alang sa maaaring epekto nito?
Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba?
Pagpili ng pinakamalapit na paraan.
Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan.
Ang pagkilos sa pamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos.
Halimbawa: Ang planong pagtulong sa isang komunidad. Ang paglikom at paghanap ng sponsors at benefactors ang siyang unang naging punto ng plano at kasunod ay ang mga beneficiaries
Pagsasakilos ng paraan
Ayon kay (), kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na maaaring makapagpawalang kapanagutan. Dahil dito, maaaring mabawasan o mawala ang kapanagutan. Ibig sabihin, ang kahihinatnan ng makataong kilos, kasama na ang pagpapataw ng parusa kung mayroon man, ay nababawasan din o nawawala.
ARISTOTELES