MGA TAUHAN NG EL FILIBUSTERISMO Flashcards
Isang napakayamang mag – aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan – Heneral. Makapangyarihan siya kaya iginagalang at pinangingilagan ng mga Indi0 at maging ng mga prayle man. Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon, linisin ang bayan at lipulin ang lahat ng masasama kahit siya ay inuusig ng kanyang budhi sa paraang kanyang ginagawa.
SIMOUN
hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Sinasabi niyang kailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain. Nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa niya ang importanteng pagpapasiya habang naglilibang at sa pagmamadali. Larawan siya ng pinunong pabigla – biglang humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan. Salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani.
KAPITAN – HENERAL
siya ay isang Kastila at mataas ang panunungkulan sa pamahalaan. Siya ay kagalang – kagalang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan at may kapanagutan. Siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag – aaral na nagsusulong sa pagtuturo ng wikang Kastila. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag – isipan at di mabuti o di pinag – aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani. Maging ang pasya ng Kapitan – Heneral ay kanyang tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at mabuti. Siya ay mapanuri at makatarungan.
MATAAS NA KAWANI –
isang mabuti at kagalang – galang na paring Pilipino kahit pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumopkop sa pamangking si Isagani nang maulila sa magulang.
PADRE FLORENTINO
isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Umibig siya nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalaga at ni Kapitan Tiago.
PADRE BERNARDO SALVI
– isang matikas at matalinong paring Dominikano. Siya ang Vice – Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag – aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag – aaral.
PADRE HERNANDO SIBYLA
– isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag – aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante. Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago.
PADRE IRENE
– isang paring Dominikano na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag – aaral. Sang – ayon siya sa adhikain ng mga makabagong estudyante sa pag – aaral ng wikang Kastila. Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng kapwa niya prayle.
PADRE FERNANDEZ
– isang batang paring Pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano – anong mga bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa mga kababaihan lalo na sa magagandang dilag.
PADRE CAMORRA
isang paring Dominikano na propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag – aaral. Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa noon.
PADRE MILLON
– kilala rin bilang Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka ng mayamang may lupain. Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera. Pinili siyang maging Kabesa ng Barangay ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao.
TELESFORO JUAN DE DIOS
– ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya. Tunay siyang mapagmahal sa pamilya. Tapat at marunong din siyang maghintay sa katipang si Basilio.
JULIANA o JULI
ang kumalinga sa batang Basilio sa gubat nang tumakas sa guwardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing ama ni Kabesang Tales. Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.
TATA SELO
– anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang – loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya’y magsundalo. Nawala nang matagal na panahon at nang magbalik ay siyang naging dahilan ng kasawian ng mahal niya sa buhay.
TANO / CAROLINO
nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa pag – aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag – aaral at ng guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natanggap ang diploma ng pagtatapos.
BASILIO