MGA KAALAMAN, PRINSIPYO, AT KONSEPTO SA PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA Flashcards
Maaari tayong makipagkomunikasyon sa mga tao kahit hindi natin sila kaharap.
PAGSULAT
Ito ay ang kakayahang iparating ng tagasulat sa tagabasa ang kanyang kaisipan/ideya, saloobin, o nadarama sa pamamagitan ng mga salitang binubuo ng mga titik o mga simbolo na pamilyar kapwa sa tagasulat at tagabasa.
PAGSULAT
-Nagsisilbing tulay o tagapag-ugnay sa pagitan ng manunulat at mambabasa.
-Instrumento sa pagsulong sa layunin ng mga gawain ng manunulat.
PAGSULAT
Ayon kay _______, Ito ay ang pakikipag-ugnayan ng mga salita upang mapalaya ang sarili sa kung anuman ang kasalukuyang naiisip, nararamdaman, at nahihinuha.
Peter Elbow
pinakamataas sa herarkiya kung saan tinutuklas at minamalas natin ang mahika ng gamit ng wika
Ang Masining at Istetikong Hikayat (artistic and aesthestic appeal)
paggamit ng wika kung nais nating magbigay ng ulat katulad ng uri ng wikang ginagamit sa mga pahayagan
Ang Expressive Purpose
ang pinakagamiting dimensyon hinggil sa hikayat ng pagsulat.
Ang Functional Purpose
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala.
Kahalagahang Panterapyutika
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon.
Kahalagahang Pansosyal
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay.
Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.
Kahalagahang Pangkasaysayan