KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK. Flashcards
maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu, o katitikan ng komperensya.
Abstrak
ay naglalaman na ng halos lahat ng mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik. Maaari na itong makapag-isa sapagkat nagbibigay na ito ng buong ideya sa lalamanin ng pananaliksik.
Impormatibong abstrak
Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang mananaliksik ang paksa.
Motibasyon
Kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin o tanong ng pananaliksik
Suliranin
Ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung saan nagmula ang mga impormasyon at datos.
Pagdulog at Pamamaraan
Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik.
Resulta
Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon ng pananaliksik batay sa
mga natuklasan.
Kongklusyon
Naglalaman lamang ito ng suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginamit at saklaw ng pananaliksik ngunit hindi tinatalakay ang resulta, konklusyon at mga naging rekomendasyon ng pag-aaral.
deskriptibong abstrak
naman ang pinakamahabang uri ng abstrak sapagkat halos kagaya na rin ito ng isang rebyu.
kritikal na abstrak