AKADEMIKONG PAGSULAT Flashcards
tumutukoy ito sa pagsulat na isinasagawa para sa maraming kadahilanan.
akademikong pagsulat
ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral.
akademikong pagsulat
Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.
Katotohanan
Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.
Ebidensya
Nagkakasumdo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.
Balanse
Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang pasulat na gawain.
Kompleks
Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ang pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.
Pormal
Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inalalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.
Tumpak
Maliban sa mga anyo ng akademikong pagsulat na tatalakayin sa Yunit 3 ng aklat na ito, ang akademikong pagsulat, sa pangkalahatan ay obhetibo, sa halip na personal.
Obhetibo
Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto. Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.
Eksplisit
Ang akademikong ay gumagamit nang wasto ng mga bokabularyo o mga salita.
Wasto
Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.
Responsable
Ang layunin ng akadamikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin.
Malinaw na Layunin.
Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources.
Malinaw na Pananaw
Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay,
May Pokus
Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran.
Lohikal na Organisasyon
Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag
Matibay na Suporta
Napakahalaga nito, dahil bilang manunulat, kailangang matulungan ang
mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
Sa karamihan ng akademikong papel, kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon.
Epektibong Pananaliksik
Kakaiba ang estilo sa akademikong pagsulat, kaysa ibang uri ng pagsulat, tulad halimbawa sa malikhaing pagsulat.
Iskolarling Estilo sa Pagsulat
Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa.
Mapanghikayat na Layunin
Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan.
Mapanuring Layunin
Sa impormatibong akademikong pagsulat, ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa.
Impormatibong Layunin