Mga Elemento ng Maikling Kwento Flashcards
isang uri ng masining pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan
maikling kuwento
Ang maayos at wastong pagka-sunodsunod ng pangyayari
Banghay
Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang pakasa at kung sinong tauhan ang dapat maglahad ng mga pangyayaring makikita at maririnig niya
Paningin
Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang kalutasan sa katapusan ng akda
Suliranin (Problem)
Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari sa akda. Noong una, ang diwa ay nangangahulugan ng “moral lesson”, subalit ngayon iyon ay walang ibig sabihin kundi ang mahalagang pang-isipin ng akda (significant idea)
Paksang-diwa (Theme)
Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. Ang hinig ay maaaring mapanudyo, mapagpatawa, at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin
Himig (Mood)
Ang usapan ng mga tauhan. Kailangang ang diyalogo ay magawang natural at hindi artipisyal
Salitaan (Dialogue)
Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na maaaring kapwa tauhan, o ng kalikasan, o ng damdamin rin nila
Pagtutunggali (Conflict)
Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tao sa akda
Kakalasan (Disentangle)
Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik, dito malalaman kung magtatagumpay ba o mabibigo ang pangunahing tauhan sa paglutas ng kanyang suliranin
Kasukdulan (Climax)
Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.
Galaw (Action)