LESSON 4 Flashcards
Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham- pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
Instrumental
Ginagamit natin ang wika sa pakikipag- usap sa iba, sa pakikisalamuha sa ating mga kaibigan, kaklase, kamag-anak o maging kanino man.
Interaksyunal
Ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Personal
Pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Halimbawa ay ang pagbibigay ng direksiyon gaya sa pagluluto ng ulam, direksiyon sa pagsagot ng pagsusulit, at marami pang iba.
Regulatori
Tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhain paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo. Ginagamit ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, at maikling katha.
Imahinatibo
Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Heuristik
Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
Impormatibo