LESSON 1 Flashcards
“Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paarang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.”
Henry Gleason
“Mababasa ang kahulugan ng wika bilang
proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.”
Bernales
“Mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan, ito ang midyum na gumagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”
Mangahis
Binubuo ng mga makabuluhang tunog o
ponema ang wika na nalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata.
Ang wika ay may masistemang balangkas.
Pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang wika ay arbitraryo.
Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura.
Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Tinatawag bilang tulay para makausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.
Lingua Franca
Hango ang mga ito sa mga pangyayaring nagpakita ng kapangyarihan ng Diyos upang magkaroon ng kaayusan sa mundo at maipalaganap ang kanyang Mabuting Balita.
Mga Teoryang Biblikal
Ang mga ito ay mula sa mga pag-aaral ng iskolar at siyentista hinggil sa pinagmulan ng wika.
Mga Teoryang Siyentipiko
Ayon sa teoryang ito, ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa.
Teoryang Tarara-Boom-De-Ay
Bunga ang teoryang ito ng katotohanang kailangang ibulalas ng tao ang kanyang damdamin.
Teoryang Pooh-Pooh
Ang damdamin ang siyang batayan.
Teoryang Yo-He-Ho
Sinasabi ng teoryang ito na naunang sumenyas ang tao kaysa magsalita.
Teoryang Yum-Yum
Kumpas o galaw ang batayan.
Teoryang Ta-Ta
Ang pinagbabatayan lamang kasi nila ay ang konseptong hatid ng salitang “hayop.”
Teoryang Bow-Wow