LESSON 2 Flashcards
Layunin nito na ipatupad ang iisang wika sa isang bansa
Monolingguwalismo
Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika.
Bilingguwalismo
Sinabi niya na maraming kapakinabangan ang bilingguwalismo sa isang indibiduwal.
Lowry
Sinabi niya na “Ang bilingguwalismo ay ang pagkakaroon ng magkasintulad na gamit at kontrol ng dalawang magkaibang wika na ginagamit ng isang indibiduwal”
Leonard Bloomfield.
Ang pagkakaroon ng dalawang magkalapit na komunidad na may magkaibang wika ay maaaring magdulot ng isang bilingguwal na lipunan. Ito ay dahil sa paglipat- lipat ng mga taong naninirahan dito, kung magkagayon, bitbit din nila ang kani-kanilang wikang sinasalita.
GEOGRAPHICAL PROXIMITY
Ito naman ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao partikular na sa gamit ng impormasyon o mga gawaing
pananaliksik. Ito ay dahil sa kagustuhan ng tao na makakuha ng impormasyon, napipilitan silang pag- aralan ang ibang wika.
HISTORICAL FACTORS
Ang paglipat- lipat ng tirahan ay nagbubunsod din ng pagkatuto ng ibang wika.
MIGRATION
Nagtataglay rin ng malaking salik tungo sa pagkatuto ng ibang wika. May mga relihiyon gaya ng Islam na mahigpit na
pinananatili ang gamit ng wika kung saan nasusulat ang kanilang skriptyur.
RELIHIYON
Tumutukoy sa mga ugnayang- panlabas ng isang bansa tungo sa ekonomikong pag- unlad nito. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyak na pangangailangan ang isang bansa na malaman ang iba’t ibang konsepto ng ibang bansa na nasusulat sa wikang banyaga.
PUBLIC/INTERNATIONAL RELATIONS
“Paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo at ang sinomang estudyante sa UP ay makagagamit ng Ingles at/o Filipino sa anomang asignatura/aralin”
Presidente Salvador P. Lopez
Noong 1969 pinagtibay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive Order No.202 PCSPE
Presidential Commission to Survey Philippine Education
Noong 1971 sa bisa ng Executive Order. No. 318 series of 1971, binuo ng Pangulo ng Pilipinas ang EDPITAF
Educational Development Projects Implementing Task Force
Anong petsa sinunod ang probisyon ng bagong Konstitusyon sinunod ng Lupon ng
Pambansang Edukasyon ang Bilingguwal na Patakaran sa Edukasyon?
Pebrero 27, 1973
Anong ibig sabihin ng MTB-MLE
MOTHER TONGUE BASE- MULTILINGGUAL
EDUCATION
Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD