Lesson 2.5 Kakayahang Pragmatik/Diskorsal Flashcards
akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pagsalita o pasulat na paraan; proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues ng maaaring verbal o di verbal
komunikasyon
tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng salita o wika at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe
verbal
kapag hindi ito gumagamit ng pagsalita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap
di verbal
anyo ng di-verbal na komunikasyon (7)
kinesics, pictics, oculesics, vocalics, haptics, proxemics, chronemics
pag-aaral ng kilos o galaw ng katawan; sa pamamagitan ng pagkilos ay maiparating natin ang mensaheng nais nating ipahatid
kinesika/kinesics
pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid
ekspresyon ng mukha/pictics
pag-aaral ng galaw ng mata
galaw ng mata/oculesics
pag-aaral ng mga di-lingguwistikong tunog na may kaugnay sa pagsasalita
vocalics
pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe
pandama o paghawak/haptics
pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo; tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap
proksemika/proxemics
pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaapekto sa komunikasyon
chronemics
natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap
kakayahang pragmatik
ang kakayahang magamit ang verbal at di verbal ng mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga pauwang (gaps) sa komunikasyon
kakayahang istradyek
pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto
kakayahang diskorsal
pamantayan sa pagtataya ng kakayang pangkomunikatibo (canary at cody, 2000) (6)
pagkikibagay (adaptability), paglahok sa pag-uusap (conversational involvement), pagmamahala sa pag-uusap (conversational management), pagkapukaw-damdamin (empathy), bisa (effectiveness), kaangkupan (appropriateness)