KPWKP Flashcards
ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao.
wika
isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga
pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang
tao.
wika
ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa
pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
Gleason (1961)
ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong
pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y
makipag-ugnayan.
Finnocchiaro (1964)
ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo
ng mga tunog para sa komunikasyong pantao.
Sturtevant (1968)
ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na
lumilikha at simetrikal na estraktura.
Hill (1976)
ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong
arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng
lahat ng tao.
Brown (1980)
ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na
ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag.
Bouman (1990)
ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at
naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.
Webster (1990)
Barayti ng Wika
Dayalek
Idyolek
Sosyolek
Etnolek
Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng
mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o
bayan.
dayale
Ito ang sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling
paraan ng pagsasalita ang bawat isa.
Idyolek
Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
sosyolek
Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang
mga salitang nagiging bahagi ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat
etniko.
etnolek
ang tawag sa mga salitang ating binabanggit at ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa bahay.
etnolek
gamit ng wika ay ginagamit upang tumugon sa
pangangailangan. Pangunahing instrumento ang wika upang makuha o matamo ng
tao ang kaniyang mga lunggati o pangangailangan.
instrumental
ay ang wikang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng
tao. Sa maayos at malumanay na gamit ng wika inilalahad ng mga magulang ang
kanilang pangaral upang maging maayos ang kanilang mga anak.
regulatori
Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.
instrumental
Ano-anong departamento ang kailangan kong daanan bago
makarating sa tanggapan ng gobernador?
instrumental
Bawal pumitas ng bulaklak.
regulatori
Huwag gumamit ng bolpen sa pagsagot, gumamit ng lapis.
regulatori
Basahing mabuti ang pangungusap bago mangatuwiran.
regulatori