Konsepto ng Wika Flashcards
Ito ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na
wika. Sa wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.
Unang Wika (L1)
Ito ay tumutukoy sa iba pang wikang natutuhan niya sa kanyang paligid. Madalas ay sa magulang din mismo nagmumula ang exposure o pagkalantad
sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika.
Pangalawang Wika (L2)
Ito ang wikang natututuhan ng isang bata pagdaan ng panahon dahil lumalawak na ang kaniyang mundo. Dumarami pa ang mga taong nakakasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kaniyang nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na kaniyang nababasa , at kasabay nito ay tumataas din ang antas ng kaniyang pag-aaral. Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na
mundong kanyang ginagalawan.
Ikatlong Wika (L3)
Ito ang pagtawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
Monolingguwalismo
Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.
Leonard Bloomfield (1935), isang Amerikanong lingguwista
Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kaniyang unang wika.
John Macnamara (1967), isang lingguwista
Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.
Uriel Weinrich (1953), isang Polish-American
Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973
Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filpino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas
Ang probisyong pangwika na ito sa Saligang Batas ang naging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura sa pagharap ng
kahilingang ipaupad ang patakarang bilingual instruction.
Noong _______, ang Department of Education ay naglabas ng guidelines o mga panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department Order No. 25, s. 1974.
Hunyo 19, 1974,
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng higit sa dalawang wika.
Multilingguwalismo
Gayunpaman ay nanatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang wika sa halip na Filipino at Ingles. Kaya sa pagpapatupad ng DepEd ng K-12 Curriculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo partikular sa Kindergarten at sa Grades 1, 2, at 3. Tinawag itong MTB-MLE o _______
Mother Tongue Based-Multilinggual Education