Barayti ng Wika Flashcards
Ayon sa mga pag-aaral, umaabot sa __ ang sa mga katutubong wikain o diyalekto sa bansa ang nanganganib nang makalimutan ng kasalukuyang henerasyon dahil hindi na nila ito nagagamit.
35
Paano kaya maiiwasang mamatay ang wika?
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003), hindi mamamatay ang isang wika hangga’t may mga gumagamit pa rin ng mga ito bilang kanilang unang wika, habang ginagamit pa sa pamilya, sa pang-araw-araw na gawain, at sa pakikihalubilo sa kapwa. Kapag ganito ang sitwasyon, mananatiling buhay na buhay ang wika.
Ang gumagamit ng iisang wika ay pareparehong magsalita.
Homogeneous na Wika
Ang gumagamit ng isang wika ay nagkakaroon
ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang salik
panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho,
antas ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang
panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko o
tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad
kung saan tayo’y nabibilang.
Heterogeneous na Wika
Ito ay barayti na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba
pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na
siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar.
Dayalek
mongo = balatong
Dayalek
ate = kaka
Dayalek
Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba sa paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa kani-kaniyang indibidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag.
Idyolek
“HIndi namin kayo tatantanan!” - Mike Enriquez
Idyolek
“Todo na toh!” - Ruffa Mae Quinto
Idyolek
Ito ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat
batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, at iba pa. May pagkakaiba ang wika ng nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matatanda sa mga kabataan; ng mga maykaya sa mahihirap; ng babae sa lalaki, o sa bakla; gayundin ang wika ng preso; wika ng tindera sa palengke; at iba pang pangkat.
Sosyolek
isang mahusay na palatandaan
ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad ng pagkakaiba ng
paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
Rubrico (2009), Sosyolek
maaari ring tumukoy sa pangkat ng isang
propesyon, partikular na trabaho, o gawain ng tao. Ang “jargon” o mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay magpapakilala
sa kanilang trabaho o gawain.
Sosyolek
ik4w lAnG s4p4t nUh mHua!
Sosyolek
Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolinguwistikong grupo. Ang salitang “______” ay nagmula sa pinagsamang _______. Taglay
nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang
pangkat-etniko.
etnolek, etniko at dayalek