Ang Wikang Pambansa Flashcards
Ayon sa datos ng _________ (na isinasagawa tuwing isang dekada ng
Philippine Statistics Agency) noong 2000, humigit- kumulang ___ wika at diyalekto ang umiiral sa
ating bansa.
Census of Population and Housing, 150
Pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa
Kumbensiyong Konstitusyonal noong ____
ang pagpili sa wikang pambansa ng Pilipinas
1934
Iminungkahi ng grupo ni \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga \_\_\_\_\_ na wika sa Pilipinas, na sinusugan naman ng noo’y pangulong si \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_
Lope K. Santos, umiiral, Manuel L. Quezon, 1934
Ang pagsusog ni Pang. Quezon ay nagbigay-daan sa
probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV,
Sekiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935:
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika
Ang probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay
nagresulta sa pagkakaroon ng __________ na isinulat ni __________ ng Leyte. Ito ang nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
Batas Komonwelt Blg. 184, Norberto Romualdez
Surian ng Wikang Pambansa
Tungkulin nito na mag-aral ng mga diyalekto
sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad
at magpatibay ng isang pambansang wikang
batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa
balangkas, mekanismo, at panitikan na
tinatanggap at sinasalita ng nakararaming
Pilipino.
Mga pamantayan ng pagpili sa wikang magiging batayan ng wikang pambansa
Sentro ng pamahalaan, edukasyon, kalakalan, wika ng nakararami at pinakadakilang nasusulat ng panitikan
____________, ipinroklama ni Pang. Quezon ang
wikang ______ upang maging batayan ng Wikang
Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa
bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
(magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng
dalawang taon).
Disyembre 30, Tagalog, 1937
Dalawang taon matapos mapagtibay ang
___________________, sinimulang
_____ ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa
mga paaralanag pampubliko at pribado.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, ituro, 1940
Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating
kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong
_________ ay ipinahayag ding ang mga wikang
opisyal sa bansa ay _______ sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. ____.
Hulyo 4, 1946, Tagalog at Ingles, 570, 1946
Noong Agosto 13, pinalitan ang tawag sa wikang
pambansa mula ________ sa bisa ng
__________ na ipinalabas ni
_________ – noon ay Kalihim ng Edukasyon.
Tagalog na Pilipino, Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, Jose E. Romero, 1959
Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa
Kumbensiyong Konstitusyonal sa taong ito kaugnay sa usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging
probisyong pangwikan sa Saligang Batas ng 1973,
Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2:
Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino, 1972
Sa Saligang Batas ng ____ ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating Pangulong _______ ang implementasyon sa paggamit ng wikang ______. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ang probiyon tungkol sa wika na nagsasabing:
1987, Cory Aquino, Filipino
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika
sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Ito ay nag-aatas sa lahat ng mga
kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at
instrumentaliti ng pamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang na kailangan
para sa layuning magamit ang Filipino sa
opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon,
at korespondensiya
Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988