Kasaysayan ng Wikang Pambansa - Aralin 3 Flashcards
Man is a narrative animal.
Hayden White
Mga Yugto sa Kasaysayan
Pre Kolonyal
Panahon ng Kastila
Panahon ng Amerikano
Komonwelt
Panahon ng Hapon
Kalayaan
Wala pang isang wikang pambansa.
Pre Kolonyal
Ang bawat etnikong grupong nakatira sa bawat rehiyon ay may kani-kanilang wikang sinasalita.
Pre Kolonyal
- Lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
- Mga prayleng Kastila ang nag-aral ng katutubong wika ng iba’t ibang etnikong grupo.
Panahon ng Kastila
- Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis sa kanilang mga damdamin.
Panahon ng Kastila
Hindi itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika dahil sa layuning “hatiin at pagharian” ang mga kapuluan sa Pilipinas.
Panahon ng Kastila
Hindi itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika dahil sa layuning ____________ ang mga kapuluan sa Pilipinas.
“hatiin at pagharian”
Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon.
Panahon ng Kastila
Hanggang kelan ang Panahon ng Amerikano?
1898-1946
Makamasa naman ang edukasyon sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Dahilan ito para maging popular ang wikang Ingles kaysa sa wikang Kastila.
PANAHON NG AMERIKANO
Bilang bahagi ng pagpapalaganap ng wikang Ingles ay nagpadala ng gobyernong Amerikano ng mga estudyanteng Pilipino sa Amerika upang hasain sa Ingles kasabay naman ng pag-aayos ng kurikulum para sa pagpapabuti ng pag-aaral ng wikang Ingles.
PANAHON NG AMERIKANO
Unang Pangulo ng Pilipinas noong Commonwealth era
Manuel L. Quezon
Ano ang pinakamahusay na paraan ng pagpapalaganap ng wikang Filipino na naitaguyod ni Manuel L. Quezon?
Itinaguyod ang paggamit ng Wikang Pambansa
Sa pangunguna ni Pang. Manuel L. Quezon ay nagsimula ang pormal na kasaysayan ng paghahangad ng bansa na magkaroon ng isang wikang mag-uugnay sa lahat ng mamamayan nito na magsisilbing behikulo ng pagkakaunawaan para sa pambansang pagkakaisa noong 1935.
PANAHON NG KOMONWELT
Sa pangunguna ni _________________ ay nagsimula ang pormal na kasaysayan ng paghahangad ng bansa na magkaroon ng isang wikang mag-uugnay sa lahat ng mamamayan nito na magsisilbing behikulo ng pagkakaunawaan para sa pambansang pagkakaisa noong ______.
Pang. Manuel L. Quezon; 1935
Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Hanggat hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika.
1935 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 3
Ito ang ahensiyang nagsagawa ng mga pagaaral ng mga wika sa Pilipinas para sa pagpili ng magiging batayan ng wikang pambansa.
Surian ng Wikang Pambansa (SWP na naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o LWP, at ngayo’y Komisyon sa Wikang Filipino o KWF)
Bilang pagsunod sa probisyong nabanggit ay pinagtibay ang _____________________ na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa.
Batas Komonwelt Blg. 184
Hanggang kailan ng Panahon ng Hapon?
1941-1945
Ginawang pangunahing midyum ng edukasyon ang wikang pambansang batay sa Tagalog at binigyan-diin ang development ng nasyonalismo. Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles.
PANAHON NG HAPON
Nihonggo at Tagalog ang magiging opisyal na wika sa buong kapuluan
Ordinansa Militar Blg. 13
Ito ay isang batas na nagtatadhana ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang Abril 2 bilang pagbibigay kahalagahan sa kaarawan ni Francisco Baltazar.
Proklamasyon Blg. 12 o Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay.
Kailan nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 na isang batas na nagtatadhana ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang Abril 2 bilang pagbibigay kahalagahan sa kaarawan ni Francisco Baltazar.
Marso 15, 1952
Paglagda ni Pang. Ramon Magsaysay na sinususugan ang Proklamasyon Blg. 12’s 1954 para sa paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 taon-taon bilang parangal at paggunita sa Ama ng wikang pambansa na si Manuel L. Quezon.
Proklamasyon Blg. 186
Kailan nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186?
Setyembre 23, 1959
kautusang nagtatagubilin na Pilipino ang katawagan sa wikang pambansa.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 o Paglagda ni Jose E. Romero
kailan nilagdaan ni Jose E. Romero ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7?
Agosto 13, 1959
Ang pambansang asembleya ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino
1973 Konstitusyon Artikulo XIV Seksyon 3
o Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
1987 Konstitusyon Artikulo XIV Seksyon 6