Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Wika - Aralin 2 Flashcards
Ang wika ang siyang pangunahing instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang instrumental at sentimental na pangangailangan ng isang tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang pangangailangan nito
- Constantino, 1996
KALIKASAN NG WIKA
- Pinagsama-samang tunog.
- May dalang kahulugan
- May gramatikal istraktyur
- Sistemang oral-awral
- Pagkawala o ekstinksyon ng wika
- Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indijenus
KATANGIAN NG WIKA
- Dinamiko/buhay
- May lebel o antas
- May lebel o antas
- Ang wika ay komunikasyon
- Ang wika ay natatangi
- Magkabuhol ang wika at kultura
- Gamit ang wika sa lahat ng uri ng larang o disiplina
Ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Kailangan nating malaman ang mga pangkalahatang katangian ng wika at gayundin ay masuri ang wikang itinuturo natin, upang makagawa tayo ng epektibong mga kagamitan at pamamaraan sa pagtuturo
Otanes, 1990
Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at nabubuhay lamang habang patuloy na ginagamit.
Santiago, 1995
Isang sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao na kabilang sa isang kultura.
Gleason
Kaisipan
ANG WIKA AY BEHIKULO NG KAISIPAN
Daan
ANG WIKA AY DAAN TUNGO SA PUSO NG ISANG TAO.
Lipunan
ANG WIKA AY NAGBIBIGAY NG MGA KAUTUSAN O NAGPAPAKILALA SA TUNGKULIN AT KATAYUAN SA LIPUNAN NG NAGSASALITA
Kultura
ANG WIKA AY KASASALAMINAN NG KULTURA NG ISANG LAHI, MAGING NG KANILANG KARANASAN.
Pangkat
ANG WIKA AY PAGKAKAKILALAN NG BAWAT PANGKAT O GRUPONG GUMAGAMIT NG KAKAIBANG MGA SALITANG HINDI LAGANAP.
Panitikan
ANG WIKA AY LUKLUKAN NG PANITIKAN SA KANYANG
ARTISTIKONG GAMIT.
Aral
ANG WIKA AY KASANGKAPAN SA PAG-AARAL NG KULTURA NG IBANG LAHI.
Bigkis
ANG WIKA ANG TAGAPAGBIGKIS NG LIPUNAN.