Kahulugan ng Pagbasa Flashcards
mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay upang hanapin ang ispesipikong impormasyon
scanning
mabilisang pagbasa na ang layunin ay upang alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto
skimming
Ano ang Scanning at Skimming na Pagbasa?
Ang scanning ay ginagamit kapag nais malaman ang isang partikular na impormasyon sa loob ng teksto, samantalang ang skimming ay ginagamit upang makuha ang kabuuang nilalaman o diwa ng teksto nang mabilis.
-Mabilisang pagbasa na nakatuon sa paghahanap ng tiyak na impormasyon.
-Ginagamit ito kung may espesipikong impormasyon na kailangang makita, tulad ng mga detalye sa petsa, numero, o sagot sa isang tanong.
-Layunin nito ang bilis at konsentrasyon sa paghahanap ng detalye.
Scanning
-Mabilisang pagbasa na nakatuon sa pagkuha ng kabuuang ideya ng teksto.
-Layunin nito ang unawain ang pangunahing tema, organisasyon ng ideya, at layunin ng manunulat.
-Hindi ito nagpopokus sa mga detalye kundi sa pangkalahatang kahulugan ng teksto.
Skimming
Primarya (elementary)
Mapagsiyasat (inspectional)
Analitikal (analytical)
Sintopikal
Antas ng Pagbasa
tumutukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting o lugar at mga tauhan
Primarya
nauunawaan na ang mambabasa ang kabuoang teksto at nagbibigay ng mga hinuha o impresyon
Mapagsiyasat
maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat
Analitikal
pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay
Sintopikal
Si _________ ___ ______, ang tinaguriang Ama ng Pagbasa, ay naglahad ng apat (4) na hakbang sa pagbasa
William S. Gray
apat (4) na hakbang sa pagbasa, gaya ng mga sumusunod:?
- Pagkilala.
- Pag-unawa
- Reaksyon
- Asimilasyon at Integrasyon.
Tumutukoy sa kakayahan ng bumabasa na mabigkas ang mga salitang tinutunghan at makilala ang mga sagisag ng isipang nakalimbag.
Pagkilala
Ang kakayahang bigyang kahulugan at interpretasyon ang kaisipang ipinapahayag ng mga simbolo ng mga salitang nakalimbag.
Pag-unawa
Kakayahan ito ng mambabasa na maghatol o magsabi kung may kawastuhan at kahusayan ang pagkasulat ng teksto. Tumutukoy rin ito sa pagpapahalaga at pagdama na iniuukol ng mambabasa sa nilalaman ng kanyang binasang teksto.
Reaksyon
Kakayahan ito ng mambabasa na isabuhay ang natutuhang kaisipan sa binasa. Naiuugnay niya ang kasalukuyang karanasan sa nakaraan na tinalakay sa binasa.
Asimilasyon at Integrasyon
ang sentro ng pagbasa ay ang teksto na kailangan munang maunawaan ng mambabasa bago siya makapagbigay ng kaukulang reaksyon o interpretasyon
Teoryang Bottom- up
ang mambabasa ay nagiging isang aktibong partisipant sa pagbasa dahil sa taglay niyang “Stock Knowledge” o mga nakaimbak na kaalaman bunga ng kanyang mga karanasan.
Teoryang Top- Down
-Learning is a two-way process. Hindi monopolyo ng mga mambabasa ang pag-unawa sa tekso.
-Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at topdown sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998).
Teoryang Interaktive
teoryang ito sa kalayaan ng mambabasa na magbigay ng kahulugan sa teksto. Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya.
Teoryang Iskema
Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. - kritikal na sanaysay - lab report - eksperimento - term paper o pamanahong papel
Akademik
isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin. - ulat panlaboratoryo – kompyuter
Teknikal
saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
Jornalistik
uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa. - Bibliography, index, note cards
Referensyal