Iba't - Ibang Uri ng Teksto Flashcards
nagbibigay ng tiyak na impormasyon ukol sa isang bagay, lugar, pangyayari, o tao. Ito ay batay sa katotohanan at kadalasang nasa tonong obhektibo na sumasagot sa tanong na ano, bakit, paano, saan, at sino
Impormatibo
naglalarawan at karaniwang naglalaman ng mga impormasyon ukol sa katangian ng bagay, lugar, pangyayari, at tao.
Deskriptibo
naglalayong humikayat ng mga mambabasa o tagapakinig. Ito ay karaniwang ginagamit sa radio at telebisyon. Ito ay ginagamitan ng mga salitang nakagaganyak upang maging kapani - paniwala.
Persweysib
nasa anyong pasalaysay na tila nagkukwento ukol sa isang tiyak na pangyayari. Ito ay naglalayong magbigay kabatiran at kawilihan sa mga mambabasa.
Naratibo
naglalahad ng kuro - kuro, pananaw, paniniwala ukol sa isang isyung mahalaga o maselan. Ito ay naglalayon na hikayatin ang mga mambabasa na tanggapin ang argumentong inilalahad sa pamamagitan ng pangangatwiran at patunayan ang mga katotohanang ipinahahayag nito
Argumentatibo
nagpapakita ng pagkakasunod sunod ng mga hakbang, pahayag, o pangyayari. Ito ay karaniwang tumutugon sa tanong na paano.
Prosidyural
naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at inilalahad.
Reperensyal
· Kilala rin bilang pangunahing
ideya.
· Ipinahahayag ito sa
pamamagitan ng isang
pangugusap na tuwirang
natutukoy kung ano ang pag-
uusapan sa buong talata.
PAMAKSANG PANGUNGUSAP
-ay mga pangungusap na sumusunod sa paksang pangungusap.
-ang bumubuo sa katawan o nilalaman ng talata at nagbibigay ng karagdagang kaalaman o pagpapalawig ( ukol sa) sa ideya ng
paksang pangungusap.
SUPORTANG DETALYE
mismong pokus nito ay ang
paksang tinatalakay. Halimbawa
dito ay pagsulat ng report ng
obserbasyon, mga estadistikang
makikita sa libro at
ensayklopidya, balita, at teknikal
o bisnes report na may layuning
impormatibo.
Impormatibong pagsulat
o expository writing
makumbinsi ang mambabasa tungkol sa katwiran, opinyon o paniniwala.
Mapanghikayat na pagsulat o persuasive writing
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda.
Kalikhaing Pagsulat
Ito ay ang ginagamit ng may-akda sa paningin o pananaw sa kaniyang
pagsasalaysay.
Pananaw o Punto de-vista (point of view)
Ang ginagawang pagpapahayag ng manunulat ay batay sa katotohanan o paglalatag ng mga ebidensya.
Obhetibo
Ang pagpapahayag ng isang manunulat ay nakabatay sa kanyang imahinasyon o kaya ay opinyon lamang
Subhetibo
karakter, imahen, o reputasyon ng tagapagsalita/manunulat.
Ethos
Tumutukoy ito sa opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng tagapagsalita/manunulat.
Logos
emosyon ng tagapakinig/mambabasa.
Pathos
Ang Ethos, Logos, at Pathos ay mga
elemento ng panghihikayat na karaniwang makikita sa
tekstong persweysib
. Uri ng Teksto:
Persweysib - Dahil sa lavunin nitong kumbinsihin ang
mambabasa o tagapakinig sa pamamagitan ng kredibilidad
ng tagapagsalita.
. Halimbawa:
Sa isang sanaysay na nanghihikayat tungkol sa kalusugan,
maaaring gamitin ang ethos upang ipakita ang kredibilidad
ng manunulat:
“Bilang isang eksperto sa nutrisyon, nais kong ibahagi ang
mga benepisyo ng balanseng diyeta.”
Ethos
. Uri ng Teksto:
Persweysib at Argumentatibo - Madalas ginagamit ang
logos sa mga tekstong naglalaman ng lohikal na
pangangatwiran at ebidensva upang suportahan ang
argumento.
Halimbawa:
Sa isang tekstong argumentatibo tungkol sa pagbabago ng
klima, maaaring gamitin ang datos:
“Ayon sa mga eksperto, ang global temperature ay tumaas ng
1.2°C mula noong Industrial Revolution. Kung hindi tayo
kikilos, maaaring umabot ito sa 2°C pagsapit ng 2050.”
Logos
. Uri ng Teksto:
Persweysib at Naratibo - Madalas ginagamit ang pathos
upang pukawin ang emosyon ng mambabasa, lalo na sa
mga sanaysay, talumpati, o kwento.
Halimbawa:
Sa isang talumpati na humihiling ng donasyon para sa
mga nasalanta ng bagyo:
“Isipin mo ang isang bata na umiivak dahil nawala ang
kanyang tahanan at wala siyang makain. Ang tulong mo
ang maaaring magbigay sa kanya ng bagong pag-asa.”
Pathos