kabanata 5 (pagbasa) Flashcards
isinasagawa sa pamamagitan ng pagkilala at pagkuha ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo.
ito ay kasangkapan ng tao upang balikan ang nkakaraan, tuklasin ang katotohanan at palawakin ang kaisipan.
pagbasa
ayon kina _________, ang pagbasa ay pagunawa sa mga kaalaman upang magtamo ng karunungan,pagbalik sa nakaraan, pagtatasa sa kasalukuyan at antisipasyon
Austero, et al. (2009)
ayon kay ______, ang pagbsa ay nahahati sa apat na hakbang ng gawain: ang pagbasa sa akda, ang pagunawa sa binasa, ang reaksyon sa binasa at ang pagsamasama at pagugnay ng kaalaman
gray (sa mangahis, et al. 2005)
ayon kay ________, ang pagbasa ay isang pasibong hakbang lamang.
goodman
ayon kay _____ ang pagbasa ang nagsisilbing daan sa pagkamit ng impormasyon, kabatiran at maging karunungan ng mambabasa ay ang pagbasa
toze
mga teorya sa pagbasa:
Isang paghahaka na ang pagbasa ay isinasagawa sa pamamagitian ng pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat na simbolo o stimulus upang magbigay ang katumbas na tunog o tugon. Nagsisimula ang pagbasa sa teoryang ito mula sa pagkilala sa mga titik, parirala at pangungusap hanggang magbigay ng kahulugan ang teksto.
teoryang bottom-up
mga teorya sa pagbasa:
Kabaligtaran ng teoryang bottom-up, sa teoryang ito ang teksto ay pinaniniwalaang hindi nagtataglay ng sariling kahulugan. ginagamit lamang ng mambabasa o tagapakinig ang teksto upang magsilbing gabay. background knowledge
teoryang iskima
mga teorya sa pagbasa:
Ang teoryang ito ay nagsisilbing ang batayan sa nilalaman ng teksto ay ang dating kaalaman o prior-knowledge ng mambabasa
teoryang top-down
mga teorya sa pagbasa:
Sa teoryang ito, nangangailangan ang mambabasa ng pagsasanib ng kamalayan (awareness) at kaalaman (knowledge) upang higit na maunawaan ang nilalaman ng teksto.
teoryang interaktibo
Ito ang paraan ng pagbasa na isinasagawa nang pangsarili lamang.
layunin na magbasa ng puspusan
tinatawag ding sub-vocalized reading
tahimik na pagbasa
Ang pagbasa nang malakas ay ininasagawa kung ang layunin ay ang bumigkas sa harap ng mga tagapakinig. isinasagawa upang maihatid sa naikinig ang mensahing nais na iparating sa mambabasa o ng mismong teksto.
malakas na pagbasa
uri ng pagbasa batay sa layunin:
Tinatawag ding pasaklaw na pagbasa ang uring ito. Isinasagawa ito upang tulungan ang mambabasa sa pagpapasya sa uri ng babasahing dapat na gamitin batay sa hinihingi ng kanyang pangangailangan o layunin.
iskiming
uri ng pagbasa batay sa layunin:
Ang uri ng pagbasang ito ay tinatawag ding pahapyaw na pagbasa. Dito, ang pagbasa ay nangangailangan ng pagtingin sa pangunahing salita o susing salita sa loob ng teksto o di kaya ay ang pamagat ng akda.
iskaning
uri ng pagbasa batay sa layunin:
Isinasagawa ang uri ng pagbasang ito bilang pampalipas oras tulad ng pagbabasa ng pocket book, magasin, komiks at iba pa.
kaswal
uri ng pagbasa batay sa layunin:
Paunang sulyap sa maaaring laman ng teksto ang gawain sa uri ng pagbasang ito. Binibigyang-pansin ang pamagat na may kaugnayan sa paksa ng talakay at ang partikular na bahagi na nagpapahiwatig ng nilalaman ng teksto.
prebyuwing