Kababaihan at Pemininidad Flashcards
Ito ay sari-saring kaisipan na pinagbuklod ng iisang mithiin, ang mailarawan ang isang lipunan na mayroong matibay na sistema ng pagkakapantay-pantay sa aspetong pang-ekonomiya, pulitikal, at isang mundo na kung saan pareho ang natatanggap na oportunidad ng parehong kasarian, mapalalaki o mapababae man.
Feminist Theory
Ang teoryang ito ay nakatuon sa kung paanong ang istraktura ng lipunan ay nakaambag sa patuloy na pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.
Gender Conflict Theory
It ay nagpapaliwanag na ang hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian ay antural na resulta ng pagtugon ng mga ito sa tingin nilang naaayon sa pang-araw-araw na suliranin.
Functionalist Approach
Inuunawa ang pag-uugali ng tao bilang bahagi ng sistema na tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng lipunan. Mula sa perspektibong ito, ang kasarian ay isang matibay na pundasyon ng pasasaayos ng lipunan.
Structural-Functionalist Approach
Ang _______ sa Pilipinas ay mayaman sa kasaysayan, nagsimula ito noong panahon ng pre-kolonyal kung saan mayroong sistemang matriyarikal ang mga katutubo at mahalaga ang mga babae sa lipunan dahil sa kanilang kontribusyon sa iba’t ibang aspeto ng pre-kolonyal na lipunang Pilipino.
peminismo
Sila ay nagsisilbing mga manggagamot at mga espirituwal na lider; kinilala bilang mga daluyan ng ugnay ng katauhan at kalikasan.
babaylan
counterpart of babaylan in males
asog o bayoguin
unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas; Unang Babaeng Heneral at Unang Babaeng Martir
Gabriela Silang
tinaguriang “Joan of Arc” ng Kabisayaan; isang guro at rebolusyonaryo
Teresa Magbanua
isang organisasyong pangkababaihan sa Pilipinas na naglalayong itaguyod ang mga karapatan ng mga kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lipunan
Asociacion Feminista Filipina (AFF)
kauna-unahang babaeng naging abogado at hukom sa Pilipinas
Natividad Almeda-Lopez
Ina ng Katipunan; Ina ng Himagsikan; Lakambini ng Katipunan
Gregoria de Jesus
kauna-unahang babaeng naging miyembro ng House of Representatives matapos siyang manalo sa eleksyon ng 1941; may akda sa Batas Komonwelt Blg. 704
Elisa Rosales-Ochoa
tumakbo sa ilalim ng Young Philippines Party bilang konsehal ng Maynila noong eleksyon ng 1937; naging pinuno ng Philippine Red Cross
Carmen Planas
kauna-unahang babaeng doktor sa Pilipinas
Honoria Acosta-Sison