Diskurso ng LGBTQIA+ sa Pilipinas Flashcards
Ito ay inisyalismo para sa lesbian, gay, bisexual, transgender, queer o questioning, intersex, asexual, at iba pa. Ang mga terminolohiyang ito ay ginagamit upang ilarawan ang sexual orientation o gender identity ng isang tao.
LGBTQIA+
Isang babae na nakararanas ng pisikal, romantiko, at/o emosyonal na atraksyon sa kapwa babae.
Lesbian
Ang pang-uring ito ay naglalarawan sa mga tao (hindi lamang sa mga lalaki) ng pisikal, romantiko, at/o emosyonal na atraksyon sa mga taong kaparehas nila ng kasarian.
Gay
Isang tao na nakararanas ng pisikal, romantiko, at/o emosyonal na atraksyon sa kaparehas na kasarian o ibang kasarian. Ang gma atraksyong ito ay maaring maranasan ng gma tao sa iba’t ibang paraan at antas.
Bisexual
Ito ay isang umbrella term na sumasaklaw sa lahat ng mga taong ang gender identity at/o gender expression ay taliwas sa sekswalidad nila noong sila ay ipinanganak. Maaari ring ilarawan ang kanilang mga sarili gamit ang isa o higit pang mga terminolohiya kasama na ang nonbinary.
transgender
Isang pang-uri na naglalarawan sa mga tao na ang sexual orientation ay hindi heterosekswal o straight. Ang umbrella term na ito ay sumasaklaw sa mga taong nonbinary, gender-fluid, o gender nonconforming identities.
queer
Ang terminolohiyang ito ay naglalarawan sa mga taong kumukwestiyon sa kanilang sexual orientation o gender identity.
questioning
Isang pang-uri na nanglalarawan sa isang taong may isa o higit pang sekswal na karakteristiko, kabilang na ang ari, internal reproductive organs, at mga chromosome, na labas sa tradisyonal na pag-unawa sa katawan ng mga lalaki o babae. Sila ay hindi transgender; sila ay ipinanganak na parehas lalaki at babae.
Intersex
Ang pang-uring ito ay naglalarawan sa isang taong hindi nakararanas ng anomang sekswal na atraksyon.
asexual
(under asexual) sila ay nakararanas ng ilang anyo ng atraksyong sekswal
demisexual
(under asexual) hindi sila pasok sa pinaka-istriktong depinisyon ng salitang asexual
graysexual
(under asexual) hindi nakararanas ng romantic attraction at/o walang pagnanais na pumasok sa isang romantikong relasyon
aromantic
isang pang-uring naglalarawan sa kasarian ng isang tao na hindi lalaki o hindi babae at gumagamit ng iba pang mga terminolohiya upang ilarawan ang kanilang mga sarili
nonbinary
sumasaklaw sa iba pang mga gender identity at sexual orientation na hindi pa lubos na naipaliliwanag ng mga salita
plus
Ang _________ sa Pilipinas ay naitala na bago pa dumating ang mga Espanyol noong 1521.
gender non-conformity