Ang SOGIE Bill Flashcards
Ito ay mga panukalang batas na inihain sa Mataas at Mababang Kapulungan noong ika-17, 18, at 19 na Kongreso, na naglalayong pigilin ang iba’t ibang anyo ng diskriminasyon batay sa sexual orientation, gender identity, o expression ng mga tao.
Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) Bill or Anti-Discrimination Bill
Ang unang Anti-Discrimination Bill ay inihain sa ika-___ na Kongreso ng Pilipinas.
14
Isang panukalang batas na naglalayong puksain ang diskriminasyon na may kinalaman sa sexual orientation at gender identity ay unang inihain sa Senado noong ika-11 Kongreso noong taong 2000 ni ____________.
dating Senador Miriam Defensor-Santiago
Sa Mababang Kapulungan naman, may mga kahalintulad ding panukalang batas ang paulit-ulit na inihain ng mga kongresista na nagsimula sa __________ na inihain sa ika-13 Kongreso ng mga miyembo ng __________ at ni dating Rep. __________.
House Bill 634, Akbayan Partylist, Etta Rosales
Ika-13 Kongreso- Senate Bill 165
Employment Non-Discrimination Bill of 2004
Ika-14 na Kongreso - Senate Bill 11
Anti-Gender Discrimination Bill
Ika-15 Kongreso - Senate Bill 1559
Anti-Sexual Orientation Discrimination Bill
Ika-16 na Kongreso - Senate Bill 1022
Anti-Discrimination Bill
Mga panukalang batas na pinagsama-sama at naging House Bill 4982
House Bill 51, House Bill 267, House Bill 3555
Components ng House Bill 4982 base sa pinagsama-samang mga panukalang batas na bumuo rito
HB 51 - Rep. Arlene Bag-ao
HB 267 - Rep. Geraldine Roman
HB 3555 - Akbayan Rep. Tomas Villarin
Ang ________ ay naging makasaysayan bilang kauna-unahang panukalang batas na naipasa sa ikatlong pagbasa ng Mababang Kapulungan. Wala ring tumutol sa panukalang batas na ito.
House Bill 4982
Pagkatapos maipasa ng HB 4982, umakyat agad ito sa Senado at naghain ng katapat na panukalang batas si ____________ na sinuportahan ng 12 na iba pang Senador.
Sen. Risa Hontiveros
Noong Marso 2018, isang grupo ng mga Kristiyano ang nag-protesta sa Senado laban sa SOGIE Bill at sinasabing ang panukalang batas ay “_________” at “_________” ang homosekswalidad ayon sa Bibliya. Dagdag pa ng grupo na ang panukalang batas ay magiging panimula sa pagsasabatas ng same-sex marriage.
abominasyon, kasalanan
Noong Hulyo 2018, ilang mga kilalang personalidad ang nagpahayag ng kanilang suporta sa pagpasa ng SOGIE Bill. Hiniling din nila kina ______, ________, at ________ na wakasan na ang debate at ipasa na ang naturang panukala.
Sotto, Pacquiao, Villanueva
Noong Mayo 2019, ito ay kinilala bilang isang panukalang batas na sumailalim sa pinakamahabang interpellation sa kasaysayan ng Pilipinas.
SOGIE Equality Bill