Hi Flashcards
Ano ang Patakarang Piskal?
Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan.
(Case, Fair at Oster 2012)
Ano ang layunin ng Patakarang Piskal?
Ito ay tungkol sa polisiya sa pagbabadyet o ang paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya.
(Balitao et al 2014)
Ano ang Expansionary Fiscal Policy?
Isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong pampamahalaan o pagpapababa ng buwis.
Ano ang mga hakbang sa Expansionary Fiscal Policy?
Pagbaba ng singil sa buwis, pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan, pagtaas ng kabuuang demand, at pagdaragdag ng supply ng salapi.
Ano ang Contractionary Fiscal Policy?
Ipinapatupad ng Pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya.
Ano ang mga hakbang sa Contractionary Fiscal Policy?
Pagbaba ng kabuuang demand, pagtaas ng singil ng buwis, at pagbaba ng gastusin ng pamahalaan.
Ano ang kahalagahan ng papel ng pamahalaan sa Patakarang Piskal?
Magtakda ng mga patakaran na maghahatid sa isang kondisyon na maunlad at matiwasay na ekonomiya at nagpapatupad ng ilang paraan kung may pangangailangan na maiayos ang pamamalakad sa ilang problemang pang-ekonomiya.
Ano ang mga pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan?
Buwis, mga kita mula sa mga korporasyon at ari-ariang pag-aari at kontrolado ng pamahalaan, mga panloob at dayuhang kita, mga kita mula sa pagkuha ng mga lisensya at iba pang dokumento sa mga ahensiya ng pamahalaan, pagbebenta ng mga lupain at iba pang ari-arian ng pamahalaan, at paglikha ng salapi.
Ano ang buwis?
Salapi na kinokolekta ng pamahalaan mula sa mga mamamayan.
Ano ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nangongolekta ng buwis?
BIR – Bureau of Internal Revenue at BOC – Bureau of Customs.
Ano ang layunin ng buwis ayon sa layunin?
Para Kumita (Revenue Generation), Para Magregularisa (Regulatory), at Para magsilbing proteksiyon (Protection).
Ano ang mga uri ng buwis ayon sa kung sino ang apektado?
Tuwiran (Direct) at Hindi Tuwiran (Indirect).
Ano ang mga uri ng buwis ayon sa porsiyentong ipinapataw?
Proporsiyonal (Proportional), Progresibo (Progressive), at Regrisibo (Regressive).
Ano ang Personal Income Tax?
Direktang iikinakaltas sa sweldo ng empleyado, anuman ang propesyon nito.
Ano ang Business Tax?
Buwis na binabayaran ng mga kompanya mula sa kinita nila sa negosyo.
Ano ang Property Tax?
Buwis na taunang binabayaran ng mga mamamayan na may mga ari-arian tulad ng bahay, lupa, makinarya, gusali at iba pa.
Ano ang Donor’s Tax?
Buwis na tuwirang binabayaran ng mga mamamayan na nagbigay ng regalo tulad ng bahay, lupa, makinarya, gusali at iba pa.
Ano ang Buwis sa Napanalunang Patimpalak o Sugal?
Buwis na tuwirang binabayaran ng mga mamamayan na nanalo sa mga contest gaya ng sa telebisyon at mga sugal na hawak ng PCSO gaya ng Lotto.
Ano ang Buwis sa Minanang Lupa?
Buwis na tuwirang binabayaran ng mga tagapagmana ng mga ari-arian tulad ng lupa.
Ano ang Sales Tax?
Buwis na binabayaran mula sa pagbebenta ng mga produkto o serbisyo.
Ano ang Value Added Tax?
Buwis na binabayaran mula sa biniling mga produkto o serbisyo.
Ano ang Excise Tax at Sin Tax?
Buwis na ipinapataw sa mga produktong labis ang pagkonsumo o hindi naman kailangan pero kinokonsumo gaya ng sigarilyo.
Ano ang Pambansang Badyet?
Kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon.
Ano ang Balanced Budget?
Kung ang revenue o kita ng pamahalaan ay pantay sa gastusin nito sa loob ng isang taon.