a.p.teu Flashcards
- Nakatuon sa pag-aaral ng buong ekonomiya. Ito ay nakasentro sa komposisyon at galaw ng pambansang ekonomiya.
MAKROEKONOMIKS
dayagram na nagpapakita ng kitang tinatanggap at bayaring ginagawa ng bawat sektor sa ekonomiya.
Paikot na Daloy
dayagram na nagpapakita ng kitang tinatanggap at bayaring ginagawa ng bawat sektor sa ekonomiya.
Paikot na Daloy
Mailalarawan ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Layunin
sektor na responsable sa pagsasama-sama ng mga salik sa produksyon upang mabuo ang produkto o serbisyo / tagalikha ng produkto.
Bahay-Kalakal
Sektor na binubuo ng lahat ng tao na nagnanais na matugunan ang kanilang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan / kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya
Sambahayan
Naglalarawan ng simpleng ekonomiya. Ang SAMBAHAYAN at ang BAHAY-KALAKAL ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan.
UNANG MODELO
Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksyon sa isang takdang panahon. Ang halaga ng produksyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto.
Unang modelo
Ang bahay-kalakal at Sambahayan sa Pamilihan ng tapos na produkto at salik sa produksyon
Ikalawang modelo
Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng ikadalawang modelo. Magkaiba na ang sambahayan at bahay-kalakal.
Ikalawang modelo
2 Uri ng Pamilihan sa Pambansang Ekonomiya
- Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon o Factor Markets
- Pamilihan ng mga Tapos na Produkto o Goods Market/Commodity Markets
• nagbebenta ang sambahayan ng mga salik ng produksiyon hal. kapital na produkto, lupa at paggawa
• bumibili ang bahay-kalakal ng mga salik ng produksiyon
Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon o Factor Markets
• nagbebenta ang bahay-kalakal ng mga tapos na produkto at paglilingkod
• Bumibili ang sambahayan ng mga tapos na produkto at paglilingkod
Pamilihan ng mga Tapos na Produkto o Goods Market/Commodity Markets
Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto.
Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha nito subalit bago makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng produksiyon.
At dahil ang sambahayan ang may supply ng mga salik ng produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng salik ng produksiyon.
Ikalawang modelo
4 na pinagmumulan ng kita ng Sambahayan
• Interes
• Kita ng entreprenyur
• Renta o upa
• Pasahod sa paggawa
Kung ang interes, kita ng entreprenyur, renta o upa at pasahod sa paggawa ay kita para sa _______, sa pananaw naman ng bahay-kalakal, ang mga ito ay mga gastusin sa produksiyon.
Sambahayan