araling 4pan Flashcards
lugar/ mekanismo kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagkakaroon ng transaksiyon upang magkaroon ng bentahan.
Pamilihan
bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser
Konsyumer
gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng mga konsyumer.
Prodyuser
“Markets are usually a good way to organize economic activity.”
_____ (______)
Gregory Mankiw (6th Principle of Economics)
ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan.
An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations (1776) – Adam Smith
Gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor ng pamilihan o instrumento upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser.
Invisible Hand o PRESYO
Ang pamilihan ay maaaring:
- Lokal na Pamilihan – hal. Sari-sari store
- Panrehiyon– hal. Abaka ng Bicol, danggit ng Cebu, Durian ng Davao, pastel ng Camiguin
- Pambansa– bigas, prutas
- Pandaigdigan– produktong petrolyo at langis, prutas,
- Online shops (via internet) maaaring maging lokal, panrehiyon, pambansa at pandaigdigan ang saklaw.
tumutukoy sa
balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at
prodyuser.
Estruktura ng Pamilihan
2 Pangunahing Balangkas
- Pamilihan na may Ganap na Kompetisyon (Perfectly Competitive Market o PCM)
- Pamilihang Hindi Ganap ang Kompetisyon (Imperfectly Competitive Market o ICM)
kinikilala bilang ideal o modelo. Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sinuman sa prodyuser o konsyumer ang maaaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo. Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta ng prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo.
Pamilihang may Ganap na Kompetisyon –
walang kakayahan na maimpluwensiyahan ang presyo na papabor sa interes ng sinuman sa pamilihan.
Maraming maliliit na Konsyumer at Prodyuser
maraming magkakatulad na produkto kaya’t ang konsyumer ay maraming pagpipilian.
Magkakatulad ang produkto (Homogenous
walang direktang may kontrol sa mga salik ng produksiyon. Maraming mapagkukunan ng sangkap para makabuo ng mga produkto. Bunga nito, maraming produkto ang nagkakatulad na maaaring ipagbili sa pamilihan.
Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
ang pagnenegosyoay bukas sa lahat ng may kapasidad. Walang pwedeng humadlang o pagbawalan sa pagpasok sa pamilihan.
Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtakda ng presyo at dami ay bukas para sa kaalaman ng lahat. Malayang makagagawa at makapagbebenta ang isang prodyuser sa pamilihan gayundin ang mga konsyumer ay malaya kung bibili o hindi bibili ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan
wala ang anumang kondisyon na matatagpuan sa pamilihang may ganap na kompetisyon. Ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
Pamilihang May Hindi Ganap ang Kompetisyon
uring pamilihan na IISA lamang ang PRODYUSER na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili.
MONOPOLYO
uri ng intellectual propertyna tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan (literary works) o akdang pansining (artistic works). Kabilang din ang mga gawa gaya ng aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula, computer programs, databases, advertisements, maps at technical drawings.
Copyright
pumoprotektasa mga imbentor at kanilang mga imbensiyon. Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat at iluwas ang imbensiyon niya.
Patent
paglalagay ng simbolo o marka sa mga produkto o serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.
Trademark
Kompanyang binibigyang-karapatan na magkaloob ng serbisyo sa mga mamamayan. Ito ay dahil sa kaya nilang gawin ang mga produkto o serbisyo sa mas mababang gastos kaysa sa kumuha pa ng mas maraming kompanya.
Natural Monopoly – k
mayroon lamang IISANG mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
MONOPSONYO
uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser na nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo.
OLIGOPOLYO
Pagkontrol o sabwatan ng mga negosyante. Nagaganap partikular na sa presyo sa ilalim ng kartel o samahan ng mga oligopolista. Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of enterprise.
COLLUSION