GNED 14 Flashcards
pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan.
panitikan
Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Arrogante (1983)
Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag, aestikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.
Webster (1947)
Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alin mang uri ng lipunan.
Salazar (1995:2)
Wika + Panitikan
Teksto
Panitikan + Buhay
Tema
Wika + Buhay
Gawain
Langis
Panitikan
Tubig
Wika
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at
nahahati sa mga kabanata.
Nobela
Hindi mababasa sa isang upuan lamang.
Nobela
May iba’t ibang tagpuan.
Nobela
Mga sangkap ng Nobela
Nobela ng Pangyayari.
Nobela ng Pagbabago
Nobela ng Tauhan
Nobela ng Kasaysayan
Nobela ng Romansa
Isang salaysay ng isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o
impresyon.
Maikling Kuwento
Nag-iiwan ng kakintalan.
Maikling Kuwento
Mga sangkap ng Maikling Kuwento
Pangkatauhan
Pangkatutubong-kulay
Makabanghay
Pangkaisipan
Pangkapaligiran
Sikolohikal
Halimbawa ng Maikling Kuwento
Kuwento ni Mabuti – Genoveva Edroza Matute
Dugo at Utak - Cornelio Reyes
Yumayapos ang takipsilim - Genoveva Edroza Matute
Isang uri ng panitikan na isinusulat
upang itanghal sa entablado o
tanghalan.
Dula
Iskrip at Tagpo
Dula
Paksa ng Dula
Komedya
Trahedya
Melodrama
Halimbawa ng Dula
Piso ni Anita – Julian Cruz Balmazeda
Lakambini- Patricio Mariano
Minda Mora- Severino Reyes
Salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Karaniwang hubad sa
katotohan dahil isang likhang isip lamang.
Alamat
Halimbawa ng Alamat
Alamat ng Pinya
Alamat ng Sandok
Alamat ng Ahas
Salaysaying kinasasangkutan ng mga
hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay ng mga tao.
Pabula
Mga kuwentong hinango sa Banal na
Kasalutan. Tulad ng pabula, may
layunin din itong mag-iwan ng aral na
kapaki-pakinabang sa buhay.
Parabula
Pamantayang Moral
Parabula
Isang pagpapahayag ng kuru-kuro
o opinyon ng isang may-akda
hinggil sa isang suliranin o paksa.
Sanaysay
Naglalaman ng punto de vista.
Sanaysay
Tumatalakay sa kasaysayan ng
buhay ng isang tao.
Talambuhay
Paglalahad ng mga pang-araw-araw na
pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa
mga lalawigan, o pangbuong madla.
Balita
Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay maaaring may layuning humikayat,
magbigay impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinyon o paniniwala o lumibang.
Talumputi
Masining na pagpapayag tungo sa panghihikayat
Talumpati
Akdang Patula
Tulang Pasalaysay
Tulang Pandamdamin o Liriko
Tulang Padulao Dramatiko
Tulang Patnigan
Kuwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayariat tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epiko, awit at korido.
Tulang Pasalaysay
Tulang Pasalaysay
Epiko, Awit, Korido
Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang
pangunahing tauhan sa gitna ng mga
pangyayaring hindi kapani-paniwala.
Epiko
May 8 pantig sa bawat taludtod.
Korido
paraan ng pagbasa sa Korido
Alegro
Halimbawa ng Korido
Ibong Adarna
Ito ay may 12 pantig sa bawat taludtod.
Awit
paraan ng pag-awit
Andante
Hamlibawa ng Awit
Florante at Laura
Mga salitang matitimyas
Awit
Mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may-akda o di-
kaya’y ng ibang tao.
Tulang Pandamdamin
Uri ng Tulang Paramdam
Awiting bayan
Dalit
Soneto
Pastoral
Elehiya
Oda
Maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga
nito’y hindi na matukoy kung sino ang may-akda ng maraming mga kantahing bayan.
Awiting-bayan
Halimbawa ng Awiting-bayan
Balitaw
Kundiman
Dalit
Tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.
Soneto
Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil
sa pagyao ng isang minamahal.
Elehiya
Halimbawa ng Elihiya
Hiram na Buhay
Mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
Pastoral
Isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.
Oda
Tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan, halimbawa ay senakulo at panuluyan.
Tulang Padula/Dramatiko
Laro o paligsahang patula na noo’y
karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.
Tulang Patnigan
Laro ng Tulang Patnigan
Duplo
Karagatan
Uri ng Akdang Tuluyan
Nobela
Maikling Kuwento
Dula
Alamat
Pabula
Parabula
Sanaysay
Talambuhay
Balita
Talumpati