FINALS REVIEWER (IKATLONG YUGTO) Flashcards
Natutuhan niya ang mga salitang iyon bilang tugon sa kaniyang pangangailangan maglahad ng pakiusap ngunit limitado lamang at hindi tumutukoy sa pangkabuoang pagkatuto sa istruktura nito.
ITEM LEARNING
• May kakayahan na ang isang indibiduwal na magamit ang ‘can’ kakabit ng iba pang mga pandiwa.
• Nauunawaan ng isang indibiduwal ang pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng ‘can’. (apang gramatikang panuntunan)
SYSTEM LEARNING
• Sa journal ni Zaker (2016), Ito ay ang ugnayan ng isang indibiduwal na nag-aaral ng wika sa target na pangkat sa paraan ng panlipunan at sikolohikal na salik (Schumman, 2016).
• Natatamo ng isang indibiduwal ang inaasahang wika batay sa kung paano niya natatamo ang mga salik at kultura na mayroon ang isang target na pangkat. Kung gaano kalantad ang isang indibiduwal sa target na pangkat ay malaki rin ang impak ng pagkatuto nito sa inaasahang wika.
ACCULTURATION MODEL (JOHN SCHUMMAN, 1978)
Ang wika kung ang isang indibiduwal ay lumilikha ng panibagong wika mula sa iba pang wika. Ito rin ay tinatawag na “nobody’s native language”.
PIDGIN
Salik ng akulturasyon na tumutukoy sa dalawang pangkat na may magkaibang wika ang sangkot. Ang isang pangkat ay nag-aaral ng ikalawang wika at ang isa ay ang pangkat ng target na matutuhang wika.
PANLIPUNANG SALIK
Salik ng akulturasyon na tumutukoy sa sa apektibong aspekto ng isang indibiduwal.
SIKOLOHIKAL NA SALIK
• Kapag ang mga aspektong ito na mula sa nag-aaral ng ikalawang wika ay higit na mataas kaysa sa pangkat ng inaasahang wika, malaki ang posibilidad na hindi matamo ang pagkatuto ng inaasahang wika.
• Ipinapaliwanag nito kung paanong ang pagkakaiba-iba ng mga aspektong mayroon ang nag-aaral ng ikalawang wika at ang pangkat ng inaasahang matutuhang wika ay nagkakaroon ng malaking impak sa proseso ng pagkatuto ng wika.
SOCIAL DOMINANCE PATTERN
Pangalawang panlipunang salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng ikalawang wika ay ang tatlong estratehiyang may kinalaman sa paraan ng pagsasama-sama o pag-uugnay.
INTEGRATION PATTERN
Personal na pinipili ng nag-aaral ng ikalawang wika na matutuhan at natamo ang kultura na mayroon ang target na pangkat. Nagkakaroon ng paglimot sa kulturang mayroon ang mag-aaral at pinipili ang bagong kulturang natuklasan.
ASIMILASYON (ASSIMILATION)
Kabaligtaran ng paraan ng asimilasyon, ang mag-aaral ay persona na tumatangging piliin ang mga gawi at pamamaraan ng target na pangkat. Pinipili nitong mamuhay batay sa kung anong kuktura ang kaniyang nakagisnan o kung anong kasalukuyang kuktura ang mayroon siya. Sa paraan ding ito nagaganap ang distansyang panlipunan o social distance.
PRESERBASYON (PRESERVATION)
Pinipili ng mag-aaral na matamo ang kultura na mayroon ang target na pangkat ngunit hindi pa rin niya kinalilimutan ang kulturang kaniyang kinagisnan.
ADAPTASYON (ADAPTATION)
• Nagkaroon ng ugnayan sa pamamagitan ng mga institusyon. Paaralan, simbahan, propesyon at iba pang tulad nito. Sa target na pangkat, ito rin ay may malaking impak sa pagtamo ng ikalawang wika.
• Tumutukoy sa lebel ng relasyon o ugnayan ng dalawang pangkat sa pamamagitan ng mga institusyong nabanggit.
ENCLOSURE
Kung ang dalawang pangkat ay nagkakaroon ng pagbabahagian ng mga aspektonv ito.
LOW ENCLOSURE
Kung ang dalawang pangkat naman ay mayroong magkaibang kinabibilangang institusyon at nagiging limitado ang ugnayan ng dalawa kaya naman magiging limitado rin ang pagkatuto ng wika.
HIGH ENCLOSURE
May ilang mag-aaral na nag aalangan sa paggamit ng ikalawang wika. Dahil sila ay hindi pa bihasa rito, nagkakaroon ng pangamba sa kanilang isipan na baka hindi maging kawili-wili o katanggap-tanggap ang kanilang paglalahad.
LANGUAGE SHOCK
Ito ang stress, pagkabalisa at takot na nararanasan ng isang nag-aaral ng panibagong kultura. Dahil dito, nakapagdudulot ito ng malaking problema at balakid sa kaniyang pagtamo ng ikalawang wika.
CULTURE SHOCK
Ito ay ang pinahabang culture shock. Halimbawa ay ang pagiging homesick, pagkawala ng tiwala sa sarili at identity crisis.
CULTURAL STRESS
Ito ang nag-uudyok sa mag-aaral upang matuto. Tumutukoy rin ito sa kaniyang dahilan kung bakit nais niyang matutuhan ang ikalawang wika.
MOTIBASYON
Pinipiling matuto ng mag-aaral ng ikalawang wika dahil sa nakita niyang interes at pagpapahalaga rito. Isa sa mga inspirasyon niya ay ang target na pangakat na gunagamit ng inaasahang wika. Mataas ang lebel ng motibasyon na ito dahil mas nagiging epektibo ang pagkatuto kung ito ay nagmula sa personal na kagustuhan at desisyon ng mag-aaral.
INTEGRATIVE MOTIVATION
Pinipiling matuto ng mag-aaral hindi dahil sa kaniyang interes kundi dahil sa pangangailangan na matutuhan ito. Kadalasang dahilan nito ay ang paghahanapbuhay, trabaho, pang-araw-araw na gawi at pakikipag-usap
INSTRUMENTAL MOTIVATION
Dahil sa language ego, maaaring matamo ng isang bata ang pagiging bihasa sa paggamit ng wika. Napapaunlad ang kaniyang kaalaman sa wika dahil sa mga bagay sa kaniyang paligid. Natatamo niya ito, at ito ang nagdudulot ng matibay na hangganan sa kaniyang wika.
EGO PERMEABILITY
• Ipinagpalalagay niya na ang utak ng isang bata ay mayroon nang aparato na makatutulong sa pagtamo at pagkatuto nito ng wika.
• Sinasabing ang pagkatuto ng wika ay hindi lamang sa pamamagitan ng mga bagay sa kaniyang paligid kundi dahil mayroon nang natural na sistema ang isang indibiduwal.
INPUT
Mayroong espesyal na gampanin na taglay ang mekanismo ng isang indibiduwal. Dalawang modipikasyon at pagbabago ang nagaganap sa ______________
INPUT AT INTERAKSYON
Tumutukoy sa paggamit ng wika ng isang indibiduwal sa mga taong mayroong limitadong kaalaman sa wikang kanilang ginagamit. Naipamamalas ito ng mga nagsasalita ng unang wika sa ibang taong nagsasalita ng ibang wika upang sila ay makapag-ugnayan.
FOREIGNER TALK