FINALS REVIEWER (IKAAPAT NA YUGTO) Flashcards
Ito ay nakapokus sa affective ng bata sa pagkatuto ng wika dahil kahit na ang kaniyang isipan ay handa at may kakayahan sa pag-aaral ng wika ay nakabatay pa rin ito sa lubos na atensyon na ibinibigay niya sa pagkatuto.
MOTIBASYON
Nagaganap ang ganitong motibasyon kung ang layunin ng nag-aaral ng ikalawang wika ay magagamit ang pagkatuto sa kapaki-pakinabang na paraan. (Hal. nagnanais ng oportunidad sa mas mabuting edukasyon o trabaho).
INSTRUMENTAL MOTIVATION
Nagaganap ang ganitong motibasyon kung ang nag-aaral ng ikalawang wika ay nagnanais na makipag-ugnayan sa mga tao at kultura na mayroon sa ibang bansa. Samakatuwid, nais niyang matutuhan ang wikang ginagamit dito.
INTEGRATIVE MOTIVATION
Layunin nitong manipilahin at mahigitan ang mga taong nagsasalita ng wikang iyon.
MACHIAVELLIAN MOTIVATION
Ang pagkatuto ng ikalawang wika ay may resulta. Ito ang pinaniniwalaan ng motibasyong ito, kung ano ang naging resulta ng pagtamo ng pagkatuto ng ikalawang wika. Ang mga nagtagumpay sa pagkatuto ng ikalawang wika ay maaaring magresulta sa mas lalong pagkahumaling sa natamong wika at ang iba naman ay mawalan ng gana sa pagkatuto ng wikang iyon.
RESULTATIVE MOTIVATION
Sa motibasyong ito, pinag-aaralan ang wika sa kadahilanang nasisiyahan o nagagalak ang isang indibiduwal sa pagkatuto nito. Ito ay maaaring dahil sa mga gawaing nakikita niya o pamamaraan na mayroon ito ngunit hindi dahil sa kagustuhan niyang aralin mismo ang wika upang magamit sa kaniyang pamumuhay.
INTRINSIC MOTIVATION
Nagkakaiba ang mga tao sa kahandaan at kapasidad ng pagkatuto nito batay sa motibasyon o oportunidad.
LANGUAGE APTITUDE
Ginagamit ito upang tukuyin ang kakayahan ng bata sa pag-aaral ng ikalawang wika. Ang mga batang makakakuha ng mataas na puntos sa pagsusulit na ito ay masasabing magiging matagumpay sa pagkatuto ng ikalawang wika.
LANGUAGE APTITUDE TEST
Ito ang kakayahan sa pagkilala ng mga tunog ng ikalawang wika. Kaugnay nito ang tinatawag na sound-symbol relationship. (Hal. Ang pagkilala ng gamit ng tunog na “th”.)
PHONEMIC CODING ABILITY
Ito ang kakayahan sa pagkilala sa gamit ng salita sa pangungusap sa aspekto ng gramatika. (Hal. Pagtukoy sa kung ano ang simuno at panaguri).
GRAMMATICAL SENSITIVITY
Ito ang kakayahan sa pagkilala sa anyo ng isang wika. Natutukiy rito ang natatanging gamit ng bawat salita at kung saan ito maaaring pumatungkol o kumatawan. (Halimbawa, sa Ingles, ang “to” ay maaaring tumukoy sa taong pinaglalaanan ng kilos at pinag-uusapan, at maaari rin itong tumukoy sa direksyon).
INDUCTIVE LANGUAGE LEARNING ABILITY
Ito ang kakayahang maalala ang wika sa pagbuo ng sariling estratehiya sa pagmememorya at pag-uulit-ulit ng gamit sa salita. Kaugnay nito ang makabuluhang pagkatuto (meaningful learning), pag-uugnay sa mga sitwasyon (associative learning), at aktibong pagkatuto (active learning).
ROTE LEARNING ABILITY
Ayon kay Howard Gardner noong 1986, maaaring magkakaiba ang talino at
kakayahan ng bata at hindi iisa lamang ang batayan sa
pagsukat ng kanilang maipamamalas.
MULTIPLE INTELLIGENCES
Ang mga taong
nagtataglay ng talinong
ito ay mahusay sa paglalarawan. Kadalasan
kakikitaan sila ng galing
sa pagbuo at paggamit ng
mapa, chart, video at
mga larawan. Kakikitaan
din sila ng galing sa
direksyon.
VISUAL-SPATIAL
Ang mga taong
nagtataglay ng talinong
ito ay kadalasang
makikitaan ng husay sa
pagsasalita o pagsusulat. Kadalasan din, sila ay
mahusay sa pagbuo ng
kuwento, pagmememorya at
pagbasa.
LINGUISTIC-VERBAL
Ang mga taong
nagtataglay ng talinong
ito ay kadalasang
nagpapamalas ng ng
kahusayan sa
pangangatwiran, pagkilala sa mga pattern
at pagsusuri ng mga
suliranin.
LOGICAL-MATHEMATICAL
Ang mga taong may
ganitong uri ng talino ay
kadalasang mahusay sa
pagganap ng mga
karakter at kilos. Sila rin
ay kakikitaan ng physical control at mayroong
koordinasyon sa kamay
at mata.
BODILY-KINESTHETIC
Ang mga taong may
ganitong uri ng talino ay
kadalasang mahusay sa
pag-iisip ng mga pattern, ritmo at tunog. Malaki
ang kanilang
pagpapahalaga sa musika
at mahusay sa pagbuo ng
komposisyon at pagtatanghal.
MUSICAL
Ang mga taong may
ganitong uri ng talino ay
kadalasang kakikitaan ng
kahusayan sa
pakikisalamuha sa ibang
tao. Madali nilang masuri
ang damdamin, interes at
motibo ng mga nasa
paligid.
INTERPERSONAL