Filipino - Wika Flashcards
Ito ay isang paraan ng komunikasyon na kadalasang ginagamit ng tao sa isang lugar.
Wika
Ito ay instrumento ng tao sa pagpapahayag ng kanyang sarili para makamit ang kanyang mithiin at adhikain sa buhay.
Wikang Filipino
Ano ang ibig sabihin ng “dalubwika”?
Dalubhasa sa wika
Katangian: Konsistent at sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas
Ang wika ay isang sistema
Katangian: Ang mga tunog ay nagagawa sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita
Ang wika ay binubuo ng mga tunog
Katangian: Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangan itong patuloy na gagamitin upang hindi mawalan ng saysay
Ang wika ay ginagamit
Katangian: Dinamiko ang wika. Nadaragdagan ng mga bagong bokbularyo
Ang wika ay nagbabago
Katangian: Kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao
Ang wika ay makapangyarihan
Katangian: Maraming salita ang mahirap ipaliwanag
Ang wika ay kagila-gilalas
Katangian: Naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin sa paraang pasulat man o pasalita
Ang wika ay naglalantad ng saloobin ng tao
Ito ay ang pinakamababang antas. Binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran
Balbal
Isang diyalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na may magkaibang pangunahing wika. Kabilang ang mga salitang katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita
Panlalawigan
Ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan. Aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla. Pormal
Pambansa
Pinakamayaman. Gumagamit ng tayutay, idioma, eskima, at iba’t ibang tono, tema, at punto
Pampanitikan