Filipino | Teoryang Pampanitikan Flashcards
Mga Teoryang Pampanitikan ayon kay (blank).
Dantes (2013)
Layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kansyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakihan.
Teoryang Romantisismo
Layunin nito ay ipakita ang mga karansan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Teoryang Realismo
Ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Realismo
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Teoryang Romantisismo
Layunin ng teoryang ito ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.
Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.
Teoryang Humanismo
Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang (blank).
Tao