FILIPINO ( PAHAYAGAN BALITA ) Flashcards
Ang pahayagang limbag ay naglalaman ng mga balita,
impormasyon, opinyon, komentaryo, mga pabatid, maging
patalastas, at marami pang iba.
Pahayagan o Peryodiko
Sa bahaging ito makikita ang
pangalan ng pahayagan at mga
pangunahin at mahalagang balita.
PANGMUKHANG PAHINA
Sa bahaging ito mababasa
ang mga balitang naganap,
nagaganap at magaganap sa
iba’t ibang bahagi ng mundo.
BALITANG PANDAIGDIG
Sa pahinang ito
matutunghayan ang mga
balita sa mga lalawigan o
probinsiya.
BALITANG
PANLALAWIGAN
Artikulo sa pahayan na isinulat ng
editor o kaniyang kinatawan at
nagbibigay ng kuro-kuro o
naglalayong magpuna, magpabatid,
magbigay kahulugan, magpaliwanag
sa isang partikular na isyu.
PANGULONG TUDLING /
EDITORYAL
Sulatin o artikulo na naglalayong
tumalakay sa isang natatanging isyu sa
paraang hindi nagbabalita.
LATHALAIN / FEATURE ARTICLE
Sa bahaging ito mababasa ang balita
tungkol sa kalakalan, industriya at
komersyo.
BALITANG KOMERSYO
Makikita sa bahaging ito ang mga anunsyo
o pabatid para sa iba’t ibang uri ng
hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan o iba
pang kagamitang ipinagbibili.
ANUNSYO KLASIPIKADO
Ang pahinang ito ay naglalaman
ng mga anunsyo para sa mga
taong namatay na at nakasaad
din dito kung saan nakaburol at
kung kailan ililibing ang namatay.
OBITWARYO
Sa pahinang ito mababasa ang
mga balita tungkol sa artista,
pelikula, telebisyon, at iba pang
sining.
Naririto rin ang mga krosword,
komiks, at horoscope.
LIBANGAN
Mababasa sa pahinang ito ang
mga artikulong may kinalaman sa
pamumuhay, tahanan, pagkain,
paghahalaman, at iba pang
aspeto ng buhay sa lipunan.
LIFESTYLE
Sa bahaging ito mababasa ang
mga balitang kaugnay ng
pampalakasan.
ISPORTS