Filipino Karunungang Bayan Flashcards
Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal n gating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihan.
Halimbawa: Aanhin pa ang damo Kung patay na ang kabayo.
Salawikain
*Ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga.
Halimbawa:
bagong tao - binata
bulang-gugo - gastador
Sawikain/Idyoma
*karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna ng isang tao.
*Halimbawa:
Tulak ng bibig Utos na sa pusa
Kabig ng dibdib Utos pa sa daga
Kasabihan
inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng mabisang pag-iisip.
Bugtong
*ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. *
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Juan, lumundag ang isa, ilan ang natira?
May isang bola sa mesa, tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalawa ang sombrero?
Palaisipan
ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at masamang espir-itu.
Bulong