FILIPINO 3RD PERIODICAL EXAM Flashcards
Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni at pinararating sa ating damdamin. nagpapahayag ng damdamin
Tula
Ito ay isa sa elemento ng tula na pinagpapangkat- pangkat o pinagsama- samang mga taludtod.
Saknong
Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakatulad ng mga tunog sa huling pantig sa dalawa o higit pang taludtod.
Tugma
Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Kinakailangang magkakapareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
Sukat
Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa mga salitang angkop ayt nagbibigay ganda sa tula na nagbibigay impresyon sa mga mambabasa
Kariktan
Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakabuo ng mga malalalim na mga salita at may natatagong kahulugan.
Talinghaga
Ang tawag sa tula na mayroong tatlong taludtod.`
Tercet
Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.
Tradisyunal
Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
Pagtutulad (Simile)`
Katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
Pagwawangis (Metaphor)
Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan`
Pagmamalabis (Hyperbole)
Pagbigay katangian ng isang sa bagay
Pagtatao (Personification)
Pagbanggit ito sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
Paglilipat-saklaw (Synecdoche)
Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.
Pagtawag (Apostrophe)
Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pang-aasar ito sa tao o bagay.
Pag-uyam (Irony)