FILIPINO Flashcards
Salitang nagbibigay-turing sa ___, ___, at ___.
pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay
Ito ang pang-abay na nagsasaad ng pagsang-ayon. ang ilan sa ganitong uri ng pang-abay ay oo, opo, totoo, tunay, talaga, walang duda, at iba pa.
panang-ayon
Pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
pamanahon
Ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggamitan.
pang-ugnay
Ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
βnaβ
Ito ang mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay
pangatnig
Ito ang pang-abay na nagpapahayag ng di-katiyakan sa kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Ang ilan sa mga pang-abay na ito ay ang mga salitang gaya ng tila, marahil, baka, siguro, at iba pa.
pang-agam
Salitang nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip.
pang-uri
Ito ay kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.
pang-ukol
Pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
pamaraan
Salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
pang-abay
Parehong naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga salita ngunit ang mga ito ay nagkakaiba dahil sa bahagi ng pananalitang kanilang tinuturingan.
pang-uri at pang-abay
Salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
pang-abay
Pang-abay na tinatawag na pariralang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
panlunan