ARALING PANLIPUNAN Flashcards
Ang mga manggagawa sa polo ay tinatawag na ___.
Polista
Ang mga ___ (sa ilalim ng sistemang encomienda), at nang lumaon ay mga ___ ang siyang naatasang maningil ng tributo.
Encomendero, cabeza de barangay
Ipinatigil ang pagpapatupad ng bandala noong ___.
1782
Itinatag ang Real Compania de Filipinas (Royal Company of the Philippines) noong ___ ayon sa pag-uutos ni Haring Carlos III
Marso 10, 1785
Hinikayat niya ang mamamayan na paghusayin ang kanilang pagsasaka upang tumaas ang kanilang ___ na siyang pambayad sa pamahalaan.
Ani
Sa panahon ni Gobernador-Heneral Juan Niño de Tabora, ipinagbawal naman ang ___.
Pagbabayad ng salapi
Maaaring malibre sa paglilingkod ang isang polista kung siya ay makapagbabayad ng ___, o katumbas na halaga ng sapilitang paggawa.
Falla
Napaikli ang polo y servicio ng ___ noong ___.
15 araw, 1884
Katumbas ng vinta ang ___ na siningil naman sa mga ___.
folua, taga-Camarines Sur, Cebu, Misamis, at karatig na mga lalawigan.
Naging tanyag na pinunong Espanyol ng Pilipinas dahil sa pagpapatupad niya ng mga repormang pang-ekonomiya
Jose Basco y Vargas
Pagkaraan ng isandaang taon, winakasan ni ___ ang monopolyo ng tabako.
Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera
Panahon ni Gobernador-Heneral Juan Niño de Tabora
1626- 1632
Ipinakilala ng mga Espanyol sa mga Filipino ang mga bagong uri ng halaman, hayop, at industriya
Mga Patakaran sa Agrikultura
Panandaliang natigil ang operasyon ng Real Sociedad noong ___. Tuluyan itong nagsara sa gitna ng dekada ___.
1787, 1890
Tatlo sa mga programang ekonomiko ng Pilipinas sa panahon ni Basco ay ang ___, ___, at ___.
Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais, monopolyo ng tabako, at Real Compania de Filipinas
Ipinakilala ng mga Espanyol sa mga Filipino ang mga bagong uri ng halaman, hayop, at industriya. Kabilang dito ang halamang ___, gayundin ang pag-aalaga ng ___.
cacao, sitaw, kape, mais, mani, tubo, tabako, at trigo, baka, kabayo, pato, bibe, tupa, gansa, at pabo.
Noong Hulyo 1778, dumating ang bagong itinalagang gobernador- heneral na si ___.
Jose Basco y Vargas
Ang bawat mamamayang edad ___ ay kinakailangang magbayad ng cedula.
18 pataas
Tinawag ang kalakalang ito na “galyon” sapagkat ginamit na sasakyang pandagat sa pagpapalitan ng produkto ay mga barkong galyon
Kalakalang Galyon
Ito ay ang sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka
Sistemang bandala
Noong ___, sa pamamahala ni ___, ipinatupad ang dalawang paraan ng pagbabayad ng tributo.
1604, Gobernador-Heneral Pedro Bravo de Acutia
Tuluyang ipinatigil ang kalakalang galyon noong ___.
1815
Sa ilalim ng patakarang ito ay puwersahang pinalahok ang mga Filipino sa iba’t ibang mabibigat na trabaho tulad ng ___.
Pagtatayo ng mga impraestruktura, pagtotroso, at paggawa ng barkong pangkalakalan na galyon
Nagkakalahaga ng kalahating reales o katumbas na halaga nito sa palay na siningil sa mga taga-Zamboanga upang masupil ang mga Moro.
donativo de Zamboanga o Samboangan
Sa kabila nito, itinatag noong ___ ang ___ sa pangangasiwa ni ___. Ito ang naging pangunahing tagapagluwas ng sigarilyo sa Pilipinas patungong US at England.
1883, La Insular Cigar and Cigarette Factory, Don Joaquin Santamarina
Panahon ni Gebernador-Heneral Luis Perez Dasmariñas.
1593-1596
Itinatag noong ___ ang monopolyo sa tabako
ika-isa ng Marso 1782
Nakarating sa Pilipinas ang ___ na naging patron ng mga manlalayag at ang rebulto ng itim na Nazareno ng Quiapo na taon-taong dinarayo ng mga mananampalataya.
Mahal na birhen ng Antipolo (Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje)
Noong ___, dumating ang bagong itinalagang gobernador- heneral na si Jose Basco y Vargas
Hulyo 1778
Ang ___ ay ang patakaran ng sapilitang paggawa.
Polo y servicio
Noong ___, ang tributo ay nasa halagang ___ reales, hanggang sa umabot ito ng ___ reales sa pagtatapos ng pananakop ng Spain sa bansa.
1570, 8 reales, 15 reales
Alinsunod dito, ang lahat ng kalalakihan sa kolonya na ___ taong gulang ay kinailangang magtrabaho sa loob ng ___.
16 hanggang 60, 40 araw
Ang ___ naman ay buwis na siningil sa mga naninirahan malapit sa mga pampang ng Bulacan at Pampanga bilang tulong sa pagdepensa sa bantang pananalakay dito ng mga Muslim.
Vinta
Ginamit ang ___ sa pagpapatayo ng mga moog, kuta, galera, at iba pang gusaling pandepensa bilang paraan ng pagpapalakas ng seguridad ng kolonya.
Tributo
Nasa anyong salapi o katumbas na halaga nito sa produkto tulad ng palay, bulak. manok, ginto, tela o ano mang tampok na produkto ng partikular na lalawigan o rehiyon.
Tributo
May iba pang uri ng pagbubuwis na ipinatupad ang mga Espanyol sa Pilipinas. Kabilang dito ang ___.
donativo de Zamboanga o Samboangan
Noong ___, pinalitan ang sistemang tributo ng ___- isang kapirasong papel na katumbas ng pagkakakilanlan bilang mamamayan ng isang lalawigan.
1884, cedula personal
Ginamit ang tributo sa pagpapatayo ng mga ___ bilang paraan ng pagpapalakas ng seguridad ng kolonya.
Moog, kuta, galera, at iba pang gusaling pandepensa
Isinagawa ito sa mga kasalukuyang lalawigan ng ___.
Cagayan, Ilocos, Nueva Ecija, Pampanga, at La Union
Itinatag ang ___ bilang samahang magtataguyod ng kaunlarang pang-ekonomiya at industriya ng bansa. Kinabilangan ito ng mga negosyante at propesyonal na naglayong pataasin ang produksiyon sa agrikultura at industriya, at mapasigla ang kalakalan ng bansa. Ipinagkaloob din sa samahang ito ang itinakdang pondo upang tustusan ang kanilang paglahok sa kalakalang galyon
Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Royal Economic Society of Friends of the Country) noong 1781
Una sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang ___.
Tributo
Kilala rin ang naturang kalakalan bilang “Kalakalang Maynila-Acapulco” dahil sa rutang tinahak ng mga galyon mula Maynila sa Pilipinas at Acapulco sa Mexico at balikan.
Kalakalang Galyon
Natuto rin ang mga Filipino ng mga bagong industriya tulad ng ___.
paggawa ng tisa, sabon, alak, pag-aalaga ng baka, paghahabi ng som- brero, at paggawa ng tina mula sa indigo
Ginamit upang matustusan ang mga gastusin at pangangailangan ng Pilipinas bilang isang kolonya Spain.
Tributo