Filipino Flashcards
- Ito ang programang naglalayong magbigay-impormasyon hinggil sa mga kasalukuyang pangyayari. Karaniwan itong ipinalalabas tuwing prime time o ang oras na pinakamaraming nakatutok sa telebisyon.
BALITA
. Ito ang mga programang malalimang nagsusuri sa isang usaping panlipunan.
Dokumentaryo/ Public Service Programs
. Ito ang mga kuwentong mula sa kathang-isip ng manunulat na ginagampanan ng iba-ibang artista. Maaari itong may temang melodrama, komedya, fantasya, at aksiyon. Madalas itong bahagi ng prime time o serye ng palabas sa hapon.
Teleserye
Ito ang mga palabas na may temang katatawanan.
Situational Comedy (sitcom).
Ito ang mga palabas na kakikitaan ng mga pagtatanghal na paawit at pasayaw. May mga pagkakataon ding naglalakip ito ng palaro sa mga manonood.
Musical Variety Show.
. Ito ang mga palabas na kinakapanayam ang isang kilalang personalidad o celebrity sa bansa.
Talk show
Ito ang mga programang may kinalaman sa larangan ng isports.
Pampalakasan.
Ito ang mga palabas na naglalayong maglahad ng mga kuwento sa pinakarealistikong paraan. Maaaring nasa porma ito ng patimpalak o pagsubaybay sa kilalang mga personalidad.
Reality Show.
. Ito ang mga programang kinapapalooban ng mga patimpalak na sinasalihan ng mga manonood.
Game show
kompanyang may espesyalisayon sa broadcast media, 96.6% ng mga Pilipino ang mayroon at nanonood ng telebisyon sa kani-kanilang bahay sa kabila ng pagkakaroon ng Internet.
Kantar Media (2016),
ito ay isang akdang pampanitikan na karaniwang binubuo ng maraming kabanata at inilathala bilang isang buong aklat.
nobela
Ang paglitaw ng mga salitang ito ay isang patunay na ang wikang Filipino ay .
buhay
Ito ay dinamiko at patuloy na yumayabong upang makasabay sa mga nagaganap na pagbabago sa mundo particular na sa mundo ng
social media.
– ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin ang mga lalawigang salita, bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba pang tono ito.Halimbawa: tugang(Bikol), dako(Bisaya), ngarud(Ilokano)
Lalawiganin(Provincialism)
- ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang.
Balbal(Slang)
Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o
salitang kalye.
– Ito ay mga salitang ginagamit sa pang – araw – araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Kolokyal(Colloquial)
– ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang iti. Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang – agham, simbolong pangmatematika, o mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.
Banyaga