Filipino Flashcards

1
Q

ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.

A

PAGSULAT

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

“Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga element”

A

Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

“Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man”.

A

Badayos (2000)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

“Ang pagsulat ay isang biyaya,isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito”

A

Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

“Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa”

A

Peck at Buckingham (sa Bernales, et al., 2006)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

salitang tumutukoy sa Lipunan ng mga tao.

A

SOSYO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

anumang tumutukoy sa pag-issip. Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman.

A

KOGNITIBO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

pananaw sa pagsulat, isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

A

SOSYO-KOGNITIB

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

akapaloob sa mental na aktibi ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat.

A

MENTAL NA AKTIBITI

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

nakapaloob naman sa sosyal na aktibiti ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksiyon o tugon sa teksto.

A

SOSYAL NA AKTIBITI

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Samakatuwid, maaring ang pagsulat ay isang pakikipag- usap sa mga mambabasa.

A

ORAL DIMENSYON

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalatad ng mga nakalimbag na simbolo. Kailangang maisaalang-alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbolong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat, ay maging epektibo at makamit ang layunin ng manunulat.

A

BISWAL NA DIMENSYON

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat. Ang pagpili ng tono at perspektibong gagamitin ay nagaganap din sa hakbang na ito.

A

Pre-writing

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.

A

Actual writing

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika. Ang isang sulatin ay hindi magiging kumpleto at epektibo kung hindi ito dadaan sa editing at rebisyon.

A

Re-writing

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.

A

AKADEMIKO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay- solusyon sa isang komplikadong suliranin. Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology. Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa. Pagsulat ng manwal at gabay sa pagayos halimbawa computer o anumang bagay ba may kalikasang teknikal.

A

TEKNIKAL

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
18
Q

pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magasin.

A

JOURNALISTIC

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
19
Q

naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes. Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, tesis o disertasyon.
Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyograpi, indeks at note cards.

A

REPERENSYAL

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
20
Q

ito ay nakatuon sa isang tiyak na propesyon. Saklaw nito ang mga sumusunod:

A

PROPESYONAL

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
21
Q

pulis

A

Police report

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
22
Q

imbestigador

A

Investigative report

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
23
Q

abogado

A

Legal forms, briefs at pleadings

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
24
Q

doktor at nurse

A

Patient’s journal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
25
Q

masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. Ang pokus ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.

A

MALIKHAIN

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
26
Q

ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.

A

Akademikong Pagsulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
27
Q

Ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyong tungkol sa isang paksa.
Inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo.

A

KALIKASAN

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
28
Q

Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.

A

KATOTOHANAN

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
29
Q

Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.

A

EBIDENSYA

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
30
Q

Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.

A

BALANSE

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
31
Q

Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.

A

KOMPLEKS

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
32
Q

Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa sa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.

A

PORMAL

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
33
Q

Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad ng tumpak o walang labis at walang kulang.

A

TUMPAK

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
34
Q

Ang akademikong pagsulat ay obhetibo sa halip na personal. Ang kadalasang pokus nito ay ang impormasyong ibinigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.

A

OBHETIBO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
35
Q

Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto. Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang “signaling words” sa teksto.

A

EKSPLISIT

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
36
Q

Ang akademiko ay gumagamit nang wastong mga bokabularyo o salita. Maingat dapat ang manunulat sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.

A

WASTO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
37
Q

Ang manunulat ay kailangang maging responsable sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Kailangan din maging responsable sa pagkilala sa mga hanguan ng impormasyong kanyang ginamit.

A

RESPONSABLE

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
38
Q

Layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanayang posisyon hinggil sa isang paksa.
Kung kaya upang maisakatuparan ang layunin na ito, pumipili siya ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran ebidensya, at tinatangkang baguhin ang pananaw ng mambabasa.

A

Mapanghikayat na Layunin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
39
Q

Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Layuning ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan.
Sa mga ganitong pagsulat, madalas iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen ang mga bunga o epekto, sinusuri ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin, pinag-uugnay-ugnay ang iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba.

A

Mapanuring Layunin

40
Q

Layuning ipaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa.

A

Impormatibong Layunin

41
Q

Ang akademikong pagsulat ay isang pangangailangan. Walang nakakakumpleto ng bawat baitang sa mga mataas na paaralan at kolehiyo nang hindi nagsusulat ng mga akademikong papel. Lalo na sa antas-gradwado.
Maraming dahilan kung bakit isang pangangailangan ang akademikong pagsulat sa lahat ng antas ng pag-aaral. May mga tungkuling ginagampanan ang gawaing ito na lubhang mahalaga. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod.

A

TUNGKULIN O GAMIT

42
Q

Sa apat na makrong kasanayang pangwika, pagsulat ang pinaka huli. Pagsulat ang pinakahuling natutuhan ng isang tao at ang pinakamahirap linangin.
Hindi sapat ang mataas na antas ng kasanayang pangwika sa Pakikinig at Pagbasa. Kailangang matapatan ang mga ito ng mataas ding antas ng kasanayan sa Pagbasa at Pagsulat, at nalilinang ito sa akademikong pagsulat.

A

LUMILINANG NG KAHUSAYAN SA WIKA

43
Q

Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa bilang isang awtput ito ay maaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain.
Ang isang mahusay na manunulat ay isang mahusay na mambabasa. Halos imposibleng makasulat ng isang mahusay na akademikong papel ang isang manunulat nang hindi nagbabasa.

A

LUMILINANG NG MAPANURING PAG-IISIP

44
Q

Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang nililinang sa paaralan. Tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral.
Sa pamamagitan ng akademikong pagsulat nililinang ang katapatan ng bawat mag-aaral.

A

LUMILINANG NG MGA PAGPAPAHALAGANG PANTAO

45
Q
A
46
Q

Hindi lamang mga propesyonal na manunulat tulad ng mga mamahayag at mga awtor ang nagsusulat. Halos lahat ng propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat.
Ang akademikong pagsulat sa SHS sa academic track ay hindi lamang isang paghahanda sa mga mag-aaral sa mga mapanghamong gawain sa kolehiyo.
Ang SHS ay nagsisilbing tulay upang mapunan ang dating umiiral na gap sa pagitan ng haysukl at kolehiyo at layunin ng pagsulat ang paglinang ng global na kompetetibnes sa mga Pilipinong propesyonal.

A

ISANG PAGHAHANDA SA PROPESYON

47
Q

Ang unang kategorya ay ang mga karaniwang anyo dahil ang mga ito ang madalas ipagawa sa mga mag-aaral tulad ng Sintesis, Buod, Abstrak, Talumpati at Rebyu.
Ang ikalawang kategorya ay personal nakatuon ito sa manunulat, sa kanyang iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang paksa, maging sa kanyang mga personal na karanasan. Nakapaloob dito ang Replektibong Sanaysay, Posisyong Papel, Lakbay-Sanaysay at Pictorial Essay.
Ang ikatlong kategorya ay ang iba pang anyo, walang ibang dahilan ang pagkakategoryang ito maliban sa residual ang mga ito. Hindi nabibilang ang mga ito sa una at ikalawang kategorya. Nakapaloob dito ang Bionote, Panukalang Proyekto, Agenda at Katitikan ng Pulong.

A

ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT

48
Q

Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings, at papel-pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.

A

ABSTRAK

49
Q

Mga Hakbang Sa Pagsulat ng Abstrak

A
  1. Basahing mabuti at pag-aralan ang sulatin na gagawan ng abstrak.
  2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan ng bawat bahagi mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon.
  3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin.
  4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.
  5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito.
  6. Isulat ang pinal na sipi nito.
50
Q

Ipinapahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto.
Nilalagom dito ang kabuluhan, kahalagahan, suliranin, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel.
Kadalasang binubo ng 200 salita.

A

Impormatibo Abstrak

51
Q

Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto.
Binibigyang pansin ang kaligiran, suliranin, layunin, at paksa ng papel, pamamaraan at hindi ang resulta, kongklusyon at rekomendasyon.
Kadalasang binubo ng 100 salita.

A

Deskriptibong Abstrak

52
Q

Ang pinakamahabang uri ng abstrak sapagkat halos kagaya na rin ito ng isang rebyu.
Bukod sa nilalaman ng isang impormatibong abstrak, binibigyang-ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik.

A

Kritikal Na Abstrak

53
Q

Sa pamamagitan ng abstrak, kailangang maunawaan at magkaroon ng ideya ang isang mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik ngunit kailangan ding gustuhin niyang palalimin pa ang nauunawaan sa pamamagitan nang pagbasa sa buong pananaliksik.

A

PAGSULAT NG ABSTRAK

54
Q

ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa.
Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinapanood, o pinakinggan.

A

Buod

55
Q

KATANGIAN NG BUOD

A

Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
Ang buod ay dapat sumasagot sa mga pangunahing katanungan tulad ng sino, ano, saan, kailan, bakit, at paano.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
Tanging ang mga impormasyong nasa orihinal na teksto ang dapat na isama. Hindi dapat dagdagan ito ng pansariling ideya o kritisismo ng nagsusulat.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
Tanging hinihingi sa ganitong uri ng sulatin ay ang paglalahad ng mga mahahalagang impormasyong nabanggit sa isang akda sa mas maiksi at sa katulad ba linaw ng orihinal.
4. Gumagamit ng mga susing salita.
Dapat gamitin ang mga susing salita na ginamit sa orihinal na teksto. Ang mga susing salita ay ang mga pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng teksto.
5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na mensahe.
Kung para sa personal na pangangailangan ang buod, malaking tulong na ito ay naihahayag sa sariling pananalita.

56
Q

HAKBANG SA PAGBUBUOD

A
  1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye.
  2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya.
  3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
  4. Kung gumamit ng unang panauhan ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, ng Ang manunulat, o siya.
  5. Isulat ang buod.
57
Q

ay ang pagsasama-sama ng mga ideya na may iba’t ibang pinanggalingan sa isang sanaysay o presentasyon.
Ang pagkatuto sa pagsulat ng sintesis ay kritikal na kasanayan at krusyal sa pagbubuo, at paglalahad ng impormasyon sa pang-akademiko at di-akademikong tagpuan.
Halos nagkakatulad ang laman at paraan ng pamanahon, posisyon, at reaksiyong papel.
Pinayayaman ang mga uring ito ng akademikong sulatin sa pamamagitan ng paglalahad ng argumento, pananaw, at paninindigan na nagmula sa dati (iskema/ scheme) at bagong kaalaman dulot ng malawakang pag-aaral at pananaliksik.

A

sintesis

58
Q

Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

A

Background Synthesis

59
Q

Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

A

Thesis-Driven Synthesis

60
Q

Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat na literatura ukol sa paksa.

Halos katulad lang din ito ng background synthesis ang pagkakaiba lamang, ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa pananaliksik na isinasagawa.

A

Synthesis For the Literature

61
Q

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

A
  1. Linawin ang layunin sa pagsulat - Mahalagang maging malinaw ang tunguhin ng pagsulat ng sintesis. Dapat masagot ang tanong na kung bakit ito susulatin.
  2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang mga ito - Kung alam ng susulat ang layunin, malalaman rin kung saan hahanapin ang mga sangguniang makatutugon sa layuning ito. Madali ring matutukoy kung akma ang nahanap na sanggunian.
  3. Buuin ang sulatin - Tiyakin ang sintesis na gagawin. Ito ang pangunahing ideya ng isusulat. Ihayag gamit ang buong pangungusap. Dapat naglalaman ng ideya ukol sa paksa at ang paninindigan dito.
  4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin - Maghanda ng isang balangkas na susundan sa pagsulat. Ang balangkas na ito ay nakaayon sa iba’t ibang teknik sa pagdedebelop ng sintesis.
  5. Isulat and unang burador - Gamit ang napiling teknik, isulat ang unang burador ng sintesis.
  6. Ilista ang mga sanggunian - Gamit ang pormat na pinepreskrayb ng guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na sanggunian. Isang mahalagang kasanayan na binibigyang-pagkilala ang mga akda na pinaghanguan ng impormasyon.
  7. Rebisahin ang sintesis - Basahing muli ang sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at sa mga detalye.
  8. Isulat ang pinal na sintesis - Mula sa rebisadong burador, maisusulat na ang pinal na sintesis.
62
Q

ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “buhay“.

A

bio

63
Q

ang ibig sabihin ay “tala“

A

graphia

64
Q

ay isang maikling talatang pagkakakilanlan sa pinakamahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa.

A

bionote

65
Q

Maraming mga rason kung bakit kailangan ang isang bionote. kabilang sa mapaggagamitan nito ang sumusunod:

A

Aplikasyon sa trabaho
Paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog
Pagsasalita sa mga pagtitipon
Pagpapalawak ng network propesyonal

66
Q

Bago ka pa man sumulat, kailangang maging malinaw sa iyo ang balangkas na iyong susundin. Tinutukoy ng pagbubuo ang balangkas ang prayoritasyon ng mga impormasyong isasama.

A

Balangkas sa Pagsulat

67
Q

Kadalasang maikli lamang ang bionote. Binubuo lamang ito ng isa hanggang tatlong talata, subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba ng isang bionote.

A

Haba ng Bionote

68
Q

Dapat mong malaman na hindi lahat ng natamo at mahalagang impormasyon tulad ng propesyonal na trabaho o edukasyon ay kailangan mong isama sa bionote.

Ang bionote ay isinulat para sa isang tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na pagkakataon. Dahil dito, mahalagang isiping mabuti ang mga impormasyong kailangang isama. Unang dapat bigyang-pansin ang pag-alam sa konteksto ng okasyon o sitwasyon.

A

Kaangkupan ng Nilalaman

69
Q

Tumutukoy ang antas ng pormalidad sa antas ng mga salitang gagamitin. Nakadepende ang pormalidad/impormalidad ng wikang gagamitin sa bionote sa mismong tagapakinig at sa klima ng mismong okasyon na paggagamitan nito.

Mahalagang isaalang-alang ang pormalidad/impormalidad ng sulatin sapagkat kahit gaano ito kahusay, kung hindi naikonsidera ang lebel ng sensebilidad ng mga tagapakinig o mambabasa, hindi ito magiging epektibo sa pagahahatid ng mga impormasyon ukol sa ipinakikilala.

A

Antas ng Pormalidad

70
Q

Kung kailangan ng larawan para sa bionote, tiyaking malinaw ang pagkakakuha ng larawan at hanggat maaari ay propesyonal at pormal ang dating ng paksa ng bionote sa larawan. Iminumungkahing maglagay ng larawang kuha ng isang propesyonal na potograpo.

A

Larawan

71
Q

Ang layunin ang magsisilbi mong gabay kung ano ang mga impormasyon ang mahalagang isama at mula rito ay matutukoy mo rin ang magandag paraan upang mailahad ito.
Kapag tiyak na ang layunin, matutumbok mo ang mga detalyeng nararapat na mabasa o marinig ng mga tao.

A

Tiyakin ang Layunin

72
Q

Maykro, maikli o mahaba ba ang isusulat na bionote? Nakadepende rin sa layunin ang magiging haba ng bionote. Kung tiyak na ang iyong layunin, matutukoy mo na rin ang dapat nahaba. Mahalaga rin ang pagdedesisyon sa haba ng bionote sapagkat kadalasan ay may kahingian ang mga organisasyong humihingi nito.

A

Pagdesisyonan ang Haba ng Susulating Bionote

73
Q

Ito ang makakatulong upang ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote.
Nanunutralays ng paggamit nito ang tila pagbubuhat ng sariling bangko dahil dito inilalahad ang pinakamahahalagang tagumpay na natamo.

A

Gamitin ang Ikatlong Panauhang Perspektib

74
Q

Kapag pangalan ang unang nakita sa bionote, mayroon na agad katauhan ang taong ipinakikilala, at unang mairerehistro sa kamalayan ng mga tao ang pangalan ng ipinakikila.
Mahalaga ito dahil ang pangalang ang pinakaimportanteng matandaan ng mga tao bilang isang propesyonal at sinusundan naman ng mga ginawa at natamo na paksa.

A

Simulan sa Pangalan

75
Q

Kung ang pagpapakilala ay sa komunidad ng mga inhinyero, mahalagang banggitin na ang ipinakikilala ay kabilang din sa naturang komunidad; o kung hindi man, kabilang sa isang larangan na may kaugnayan sa kanila.
Importanteng mabanggit na kabilang ka sa larangang na may kinalaman sa komunidad ngiyong kikilala. Sa pamamagitan nito, maitataas mo ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao.

A

Ilahad ang Propesyong Kinabibilangan

76
Q

Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang namay kinalaman sa audience ang kailangang isama sa iyong bionote.
Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang namay kinalaman sa audience ang kailangang isama sa iyong bionote.
Kadalasang limitado ang espasyo sa pagsulatng bionote, krusyal ang pagdedesisyon sa mga impormasyong ilalagay dito.

A

Isa-isahin ang Mahahalagang Tagumpay

77
Q

Kung mayroong mga detalye ukol sa paksa ng bionote na wala pa sa kamalayan ng iyong target audience o reader, idagdag ito sa bionote.
Mahalaga na may element of surprise ang pagpapakilala sa iyo. Ito ay magandang teknik upang mapukaw ang interes nila, basta tiyakin na ito ay maiuugnay sa okasyon o pangangailangan ng pagpapakilala sa iyo.

A

Idagdag ang ilang Di-Inaasahang Detalye

78
Q

Makabubuting isama ang impormasyon kung paano posibleng makipag-ugnayan sa iyo upang mapalawak ang network sa propesyon at upang makonsulta ang paksa ng bionote ukol sa ekspertis na larangan.
Kabilang dito ang e-mail, social media account, at numero ng telepono sa trabaho o personal nanumero. Sa ganitong paraan, napapadali nito ang ugnayan mo sa ibang tao.

A

Isama ang Contact Information

79
Q

Pagkatapos gawin ang bionote ay basahin ito nang malakas. Sa pagbasa mo nito, makikita mo ang mga dapat mong ayusin, tanggalin man o dagdagan. Masusuri mo rin kung epektibo ang paglalahad nito. Mula sa iyong personal na mga puna, muli itong isulat.

A

Basahin at Isulat muli ang Bionote

80
Q

Ayon kay Nebiu (2002), ito ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong magresolba ang isang tiyak na problema. Ito ay kadalasang nakasulat minsan naman ay sa anyong oral na presentasyon o kaya’y kombinasyon ng mga ito.

A

Panukalang Proyekto

81
Q

Karaniwang naglalaman ng dalawa hanggang sampung pahina.

A

Maikling Proyekto

82
Q

Naglalaman naman ng mahigit sampung pahina.

A

Mahabang Proyekto

83
Q

MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

A
  1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo.
  2. Pagbalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto.
  3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto.
  4. Pag-organisa ng mga focus group.
  5. Pagtingin sa mga datos estadistika.
  6. Pagkonsulta sa mga eksperto.
  7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa.
  8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad.
84
Q

Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto, pangalan ng nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala.

A

TITULO NG PROYEKTO

85
Q

Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala. Inaasahang makikita sa abstrak ang pagtatalakay sa suliranin, layunin, organisasyon na responsible sa implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet.

A

ABSTRAK

86
Q

Ang bahaging ito ay naglalaman sa sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at kultural ng panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto o mga datos na nakolekta mula sa iba’t ibang sanggunian.

A

KONTEKSTO

87
Q

Pagpapahayag sa Suliranin: Tiyak na suliraning pinagtutuunang solusyunan ng panukala.
Prayoridad na Pangangailangan: Pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga target na makikinabang dahil sa pagkakaroon ng suliranin.
Interbensyon - Estratehiyang napili kung paano sosolusyunan ang suliranin at pagbabagong gagawing hakbang.
Mag-Implementang Organisasyon - Kapabilidad ng nagpapanukalang organisasyon upang tugunan ang suliraning ilahad.

A

KATWIRAN NG PROYEKTO

88
Q

Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto. Iisa-isahin din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala.

A

Layunin

89
Q

Kung sino ang makikinabang sa panukalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito.

A

Target na Benepisyaryo

90
Q

Detalye ng mga plinanong aktibidad.

A

Iskedyul

91
Q

Ipapakita dito ang mga kakailanganin upang isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul.

A

Alokasyon

92
Q

Buod ng gastusin at kikitain ng panukalang proyekto.

A

Badyet

93
Q

Kung paano at kailan isasagawa ang mga aktibidad para mamonitor ang pag-unlad ng proyekto.

A

Pagmonitor at Ebalwasyon

94
Q

Maikling deskripsyon ng bawat miyembro ng grupo na gumawa ng panukalang proposal.

A

Pangasiwaan at Tauhan

95
Q

Karagdagang dokumento o sulatin na kakailanganin upang lalong magpatibay ang panukalang proyekto.

A

Mga Lakip