Filipino Flashcards
Ito ang mga titik sa alpabeto na di patinig
katinig
a, e, i, o, u
patinig
Ang mga salitang ito ay binubuo ng magkatabing katinig at tinatawag na consonant blend sa Ingles.
klaster
ang tawag sa mga salita na kung saan ito ay nagtatapos sa mga titik na w at y, at bago ang dalawang titik na ito, ay kakikitaan natin ng patinig
diptonggo
Ito ay pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.
pares-minimal
ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika
ponema
Ito ang pares ng mga salitang kakikitaan ng mga magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran o posisyon ngunit hindi magbago ang kahulugan
ponemang malayang nagpapalitan
Ito ang yunit ng wika na siyang nagdadala ng payak na kahulugan.
salita
kayarian ng salita na salitang ugat lamang
payak
binubuo ng salita at isa o higit pang panlapi
maylapi
Ibigay ang limang uri ng maylapi at ang kanilang depinisyon.
Ang unlapi ay panlapi na nasa unahan, gitlapi ay nasa gitna, at hulapi sa hulihan. Ang kabilaan naman ay panlapi sa una at hulihan, habang ang laguhan naman ay panlapi sa una, gitna, at hulihan.
pag-uulit ng salita
inuulit
inuulit ang buong salita
inuulit na ganap
inuulit ang bahagi ng salita
inuulit na di-ganap
Ito ang kayarian ng salita kung saan ang dalawang salitang-ugat ay pinagtambal upang makabuo ng salita.
tambalan
nagbabago ang kahulugan at di gumagamit ng gitling
tambalang ganap
ang dalawang salitang pinagtambal ay nanatili ang kahulugan
tambalang di-ganap
Ang salitang kili-kili ba ay maituturing na inuulit?
Ang salitang kili-kili ay hindi maituturing na inuulit. Ito ay payak dahil para matawag na inuulit, ang unang salita ay dapat may kahulugan.
lipon o grupo ng mga salita na di buo ang diwa
parirala (phrase)
lipon ng mga salita na may paksa o panaguri na maaaring buo o hindi ang diwa
sugnay (clause)
Ang mga salitang ito ay maaaring pananda na ang isang lipon ng mga salita ay isang sugnay. Ilan sa mga halimbawa nito ay at, o, bukod, kung, at dahil)
pangatnig
lipon ng salita na nagpapahayag ng buong diwa
pangungusap (sentence)
isang salita, parirala, o sugnay na gumaganap bilang isang pangungusap
menor na pangungusap
pala - bala
pares-minimal
Ang salitang “araw-araw” ba ay salitang payak ayon sa kayarian?
Hindi dahil ito ay inuulit na ganap.
Ang salitang “guni-guni” ba ay salitang payak ayon sa kayarian?
Oo.
doon - roon
malayang nagpapalitan
Ang salitang “sasama” ba ay salitang inuulit ayon sa kayarian?
Oo.
prutas
klaster
Ang salitang “anak-pawis” ba ay salitang tambalan ayon sa kayarian?
Oo.
dito - rito
malayang nagpapalitan
Ang salitang “kapayapaan” ba ay salitang inuulit ayon sa kayarian?
Hindi dahil ito ay maylaping kabilaan.
giliw
diptonggo
nang umulan ng malakas
sugnay