FILI WEEK 3 Flashcards
Ito ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig. Pormal dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin.
TALUMPATI
Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng talumpati:
Layunin ng okasyon
Layunin ng magtatalumpati
Manonood
Tagpuan ng talumpati
naglalahad ng kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa.
IMPORMATIBO
hikayatin ang tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos o panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita.
NANGHIHIKAYAT
pagbibigay-pugay sa isang mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga nakakatawa niyang karanasan.
NANG-AALIW
isinusulat at ibinibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan, despedida, parangal, atbp.
OKASYONAL
mahalagang mapukaw ang atensiyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa lamang.
PAGHAHANDA
lumikha ng tensiyon, magkuwento,
magbigay ng mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit ng mga tayutay at mga talinghagang bukambibig.
PAG-UNLAD
ilahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito rin ang bahaging pinakamatindi ang emosyon.
KASUKDULAN
isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati. Ipinapakita dito ang konklusyon ng diwa ng talumpati. Maaaring sa pabuod ng mahahalagang puntong tinalakay o maaari din na mag- iwan ng mga tanong.
PAGBASA
Tukuyin kung ano ang dahilan ng pagsulat, nais ipahayag at ipabatid.
TUON
Magsulat batay sa katangian, paraan, estilo, at hakbang sa pagbuo ng posisyong papel.
Pagsulat
Tukuyin kung sino at ano ang nais mong mahinuha ng tagapakinig.
Tagapakinig
Basahin nang malakas upang malaman kung natural. Maaari din basahin sa harap ng kakilala upang matukoy ang kalakasan at kahinaan nito.
Pagsasanay
talumpating walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas.
IMPROMPTU