Dalumat Flashcards
ang pagdadalumat o?
pagteteorya
tumutukoy sa paraan ng pag-iisip o pagpapaliwanag sa mga bagay o pangyayari
pagdadalumat
ayon kay________, ang salitang dalumat ay kasingkahulugan ng paglilirip at panghihiraya na may katumbas sa wikang Ingles bilang very deep thought, at abstract concept
Panganiban (1973)
ayon kina ______________, ang konseptong dalumat-salita bilang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag-uuri’t paggamit nito
Nuncio at Nucio (2004)
ang dalumat ay binubuo ng?
konsepto, ideya, at teoryang inihain at binigyang paliwanag ng mga iskolar
ayon kay _________, ang dalumat ay mayroong tatlong hakbang
Nuncio (2004)
anu-ano ang tatlong hakbang sa dalumat ayon kay Nuncio (2004)?
- Pagtukoy sa teorya o dalumat na gagamitin.
- Pagkalap ng datos tungkol sa paksa.
- Pagpapaliwanag kung paano gagamitin ang teorya sa pagdadalumat ng paksang nakahain.
mga dahilan kung bakit kailangang gamitin ang wikang Filipino sa pagdadalumat
- Kailangang linangin ang wikang Pambansa
- Kailangang paunlarin ang kamalayang Pambansa
- Kailangang itaguyod ang pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa
sinu-sino ang nagbanggit ng kahalagahan ng Filipino sa pagdadalumat?
Virgilio Almario (1991)
Zeus Salazar (1997)
sino ang nagsabi na, “ang paniniwalang walang kakayahan ang wikang Filipino upang maging wika ng karunungan ay pakulo lamang ng mga maka-Ingles at may baluktot na paniniwala na hindi tayo uunlad dahil hindi tayo marunong sa Ingles.Patay na sana ang Filipino kung tunay na mababa at makitid ang karunungang nasa kanyang wika.”?
Virgilio Almario (1991)
sino ang nagsabi na, “ang nagsasabing di sapat ang Filipino bilang wikang pangkalinangan ay nagpapahiwatig lamang na siya ang talagang kapos o kulang. O di kaya ay kulang ang kanyang kasanayan sa wikang ito sa larangan ng kultura at karunungan, sa kitang kitang dahilan na ang huli’y kanyang natutuhan sa Ingles na pinag-ukulan ng panahong kasintagal ng panahong ipinagkait sa Filipino.”
Zeus Salazar (1997)
ang Sawikaan ay itinaguyod ng?
Filipinas Institute of Translation Inc. (FIT)
ang sawikaan ay nagsimula noong?
2004
isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitang namamyani sa diskurso ng sambayanan sa nakalipas na taon
sawikaan
ano ang layunin ng sawikaan?
mamulat sa kontrobersya at mahahalagang usapin sa politika, sosyolohiya, kultura, kasaysayan at iba pa ang mga Pilipino
anu-ano ang mga pamantayan sa pagpili ng salita ng taon?
- Mga salitang bagong naimbento.
- Mga salitang hiram mula sa katutubo o banyagang wika.
- Lumang salita ngunit may bagong kahulugan o patay na salitang muling nabuhay.
mga isinasaalang-alang sa pagpili ng salita ng taon
- Ang kabuluhan ng mga salita sa buhay ng mga Pilipino
- Ang pagsasalamin nito sa kalagayn ng lipunan.
- Ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita.
- Ang paraan ng pagpepresenta nito sa madla
anu-ano ang tatlong krayterya sa paghuhusga sa mga isinumiteng papel sa kumperensyang ito?
- Kahusayan sa presentasyon.
- Pagkilala sa husay ng saliksik at bigat ng patunay at katwiran at retorikang nakapaloob dito.
- Pagsagot sa mga katanungan sa mismong araw ng presentasyon.
ano ang salita ng taon noong 2004?
Canvass ni Randy David
ano ang salita ng taon noong 2005?
Huweteng ni Roberto Anonoueva
ano ang salita ng taon noong 2006?
Lobat ni Jelson Capilos
ano ang salita ng taon noong 2007?
Miskol