Araling Panlipunan Flashcards
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng
pagkamamamayan?
A. Si Florence ay namuno ng isang protesta laban sa pinuno nilang kurakot.
B. Sumali si Ferdinand sa Unyon ng mga manggagawa upang ipaglaban ang kanilang karapatan.
C. Si Carol ay nagtatrabaho upang mabuhay ang kanilang pamilya.
D. Si Lean ay nagtatatag ng samahan ng mga kababaihan.
C. Si Carol ay nagtatrabaho upang mabuhay ang kanilang pamilya.
Si Gemma ay ipinanganak ng American citizen niyang ina sa eroplano limang milya na lang ang layo
mula Pilipinas papuntang Hawaii.
A. Mamamayang Amerikano
B. Siya ay hindi mamamayang Pilipino
C. Dual Citizenship
D. Naturalized Filipino
C. Dual Citizenship
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng isang tunay na mamamayang Pilipino?
A. Ang ama ni Susan ay ipinanganak sa Canada.
B. Si Gilbert na isang OFW
C. Si Oscar ay matagal ng naninirahan sa Korea.
D. Si Annie ay nakapag asawa ng Canadian at doon na nanirahan
D. Si Annie ay nakapag asawa ng Canadian at doon na nanirahan
Bakit mahalagang gamitin ang karapatang bumoto?
A. Upang hindi mawala ang pagkamamamayan.
B. Upang maiwasang masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksiyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na mamumuno sa atin.
D. Upang ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang panlahat.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na mamumuno sa atin.
Ano ang dapat taglayin ng isang mabuting pinuno?
A. Si pangulong Duterte ay sinusuportahan ang pagsugpo sa droga
B. Si pangulong Marcos ay nagpatupad ng Batas Militar.
C. Ang mayor ay palaging bumibyahe patungo sa ibat-ibang panig ng daigdig
D. Pagpayag sa pagpapatayo ng peryahan tuwing fiesta.
A. Si pangulong Duterte ay sinusuportahan ang pagsugpo sa droga
Noong 1864, nagpulong ang 16 na Europeong bansa at ilang estado ng US sa Geneva Swizerland na
may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon. Kinilala ito bilang ______.
A. The First Convention in Switzerland
B. The First Geneva Convention
C. The United Nations Convention
D. The Human Rights Convention
B. The First Geneva Convention
Si Mang Anton na isang magsasaka na walang pinag-aralan ay dumulog sa husgado dahil kinukuha ng
kaniyang kapitbahay ang kaniyang sinasaka ng napakatagal nang panahon na walang anumang
babala. Nanalo si mang Anton dahil walang karapatan ang kaniyang kapitbahay. Alin sa mga
halimbawa ng karapatang pantao ang sitwasyon?
A. Karapatan sa pananalita
B. Karapatan sa pagkapantay pantay sa batas
C. Karapatan sa kapaligiran
D. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatan sa pagkapantay pantay sa batas
Si Gilbert ay isang guro ng Elementarya, gusto nyang sumali sa samahan ng mga guro, paano nya
maisasakatuparan ito?
A. Aanib siya sa mga samahan ng magsasaka
B. Aktibong makikilahok sa samahan ng mga guro
C. Sasali siya sa NGO
D. Daragdag siyang miyembro ng New People’s Organization
B. Aktibong makikilahok sa samahan ng mga guro
Dahil nasa ating mga kamay ang susi para sa pagbabago ng ating lipunan bilang isang demokratikong
bansa, nararapat lamang na:
A. Gawin ang gustong gawin na walang pasubali kung ano ang epekto nito.
B. Kalimutan ang maling pananaw na “pamahalaan lamang ang may tungkulin na bigyang- solusyon
ang mga isyung panlipunan.
C. Ayusin ang kapaligiran sa lugar na tinitirhan lamang.
D. Sabihin ang gustong sabihin sa kahit kanino.
B. Kalimutan ang maling pananaw na “pamahalaan lamang ang may tungkulin na bigyang- solusyon
ang mga isyung panlipunan.
Ayon kay Horacio Morales (1990), “People empowerment entails the creation of a parallel system of people’s organizations as government partner in decision making.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na
ito.
A. mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan.
B. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan
C. Ang paglahok sa lipunang sibil/pambayan ay ang pakikisali, pakikiisa at pagiging miyembro sa lipunang ito. Isang katangiang nagbibigay kahulugan sa mga lipunang ito ay ang pagboboluntaryo
D. Dapat ang pamahalaan lamang ang may karapatang magdesisyon sa gawaing pansibiko o sibil.
A. mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang ng
pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan.
“Ang Pilipinas ay isang estadong Republikano at Demokratiko”. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin
ng sambayanan. Saan ito maaaring mabasa?
A. Artikulo I, Seksiyon 1 ng ating Saligang-Batas
B. Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-Batas
C. Artikulo III, Seksiyon 1 ng ating Saligang-Batas
D. Artikulo II, Seksiyon 2 ng ating Saligang-Batas
B. Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-Batas
Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng partisipatory governance?
A. Mas marami ang sasalai sa civil society.
B. Mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
C. Maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan.
D. Mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan.
D. Mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan.
Ang mga sumusunod ay mahalagang tungkulin ng mga Non-Government Organizations (NGOs) at
People’s Organization (PO) sa Pilipinas sa kasalukuyan, maliban sa
A. Paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mga mamamayan na
hindi natutugunan ng pamahalaan.
B. Nagsasagawa ang NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyan kanilang
ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng mamamayan.
C. Direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hinaing ng
kanilang sektor.
D. Pinapahalagahan lamang ng NGO at PO ang programa ng pamahalaan.
D. Pinapahalagahan lamang ng NGO at PO ang programa ng pamahalaan.
Mahalaga ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng
pamahalaan.Paano maisasakatuparan ang participatory governance upang mapaunlad ang isang
bansa?
I. Pangangalap at pagbabahagi ng impromasyon sa mamamayan.
II. Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mahalagang isyu sa bayan.
III. Pakikilahok ng mga mamamayan mismo sa mga proyekto, programa at desisyon ng pamahalaan.
IV. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga organisasyon na taliwas sa mithiin ng pamahalaan.
A. I, II, IV
B. I, II, III, IV
C. I, III, IV
D. I, II, III
D. I, II, III
Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng isang Pilipinong ipinaglalaban ang kanyang karapatan bilang mamamayan?
A. Pakikilahok ng mga OFW sa eleksyon
B. Hindi tumutupad sa batas trapiko
C. Taliwas ang kanyang paniniwala sa batas
D. Kontra siya sa lahat ng proyektong pampamahalaan
A. Pakikilahok ng mga OFW sa eleksyon