aralin 7 & 8 Flashcards

1
Q

malaking bahagi ng kalupaan sa Pilipinas ay nakalaan pa rin sa
pagsasaka. At bagamat hindi direktang nakaapekto sa pangkabuhayan na karaniwang Pilipino ang pagsasaka, mayroon pa rin itong epekto sa marami. Dahil sa pagsasaka, nabibigyan ng trabaho ang mga Pilipino sa pagmamaneho, paggawa ng daan, pagtitinda, pag-inventory, at marami pang iba.

A

Pinakukunan ng kabuhayan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

– sa pambansa scale, nakatutulong ang pagsasaka sa lipunan
dahil nagagawa nitong punan ang isa sa pinakamalalaking demand sa mundo: ang pagkain, at dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipinong magsasaka na makatulong sa paglago ng ekonomiya.

A

Kontribusyon sa Pambansang kita

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

– ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking eksporter ng bigas, mais, saging, at tabacco sa mundo. Dahil sa mga pageeksport na ito ay nakakapag-pasok tayo ng dolyar
sa bansa, na siya namang ginagamit natin upang makipagkalakal sa mga iba’t ibang bansa sa mundo. Dahil dito, nagkakaroon ng mas mataas na tiwala ang mga investor na mag-impok at gumawa ng negosyo sa bansa.

A

Tulong sa International Trade

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ang Pilipinas ay kilala bilang bansa na pinakamaraming likas na yaman di tulad ng ibang bansa sa Asya. Buhat sa likas na yaman na handog sa atin ng Maykapal binayayaan din tayo ng Agrikulturang dapat nating pagyamanin ngunit hindi natin napapansin ang mga suliraning kinakaharap ng agrikultura.

A

Isyu sa Pagsasaka

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ang mga magsasaka ay patuloy na
gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka katulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na gawain kaya’t bumabagal din ang produksiyon sa agrikultura

A

Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

– Dahil sa kakulangan ng sapat na
imprastraktura at puhunan ay maraming produkto ang hindi napakikinabangan dahil nasisira,
nabubulok at nalalanta tulad ng gulay at prutas. Ang pagkasira ng mga produktong ito ay bunga ng
kawalan ng pag-iimbakan o storage at maayos na transportasyon.

A

Kakulangan ng sapat na impraspaktura at puhunan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

– Malaki ring problema ang pagbibigay prayoridad
ng pamahalaan sa proteksiyon at pangangalaga sa industriya. Sapagkat maraming mga manggagawa at namumuhunan sa sector ng agrikultura ang nawawalan ng kita at nalulugi kaya’t nagiging dahilan ito sa pagbaba ng produksiyon

A

Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

– Isa rin sa masasabing pinakamalaking suliranin
ay ang pagdagsa ng dayuhang produkto o imported goods. Globalisasyon ang naging susi upang dumami ang dayuhang produkto sa ating bansa.

A

Pagdagsa ng dayuhang produkto sa Pilipinas

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Isa ito sa suliraning mahirap masolusyunan dahil na sa dugo na natin ang pagkahilig sa produktong gawa ng mga dayuhan. Ang suliraning ito ay ngadudulot ng kompetensya sa pagitan ng local na produkto at dayuhang produkto sa bansa.

A

Pagdagsa ng dayuhang produkto sa Pilipinas

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

– Malaking problema ang paglaki ng populasyon at pagiging modern n gating bansa dahil maraming mga gusali, komersyo, at subdibisyon ang pinapatayo kaya’t patuloy na lumiliit ang mga lupa na maaari sanang isaka at ang patuloy na pagkasira ng ating kapaligiran

A

Pagliit ng lupang pangsakahan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q
  • ito ay sistemang Torrens sa panahon ng Amerikano na kung saan ang mga titulo sa lupa ay pinatalang lahat
A

Land Registrtion Act 1902

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

– nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupang pampubliko sa pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmamay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupa.

A

Public Land Act 1902

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

– nakapaloob ang National Resettlement at Rehabilatation
Administration (NARRA) sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebelding nagbabalik loob sa pamahalaan.
Kasama na ang mga pamilyang walang lupa.

A

Batas Republika Blg. 1160

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

– ito ay batas laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.

A

Batas Republika Blg. 1190 ng 1954

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

– ito ay simula ng malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulo Diosdado Macapagal na nagsasabing ang mga nagbubungkal ng lupa ay
itinuturing na tunay na nagmamay-ari nito.

A

Agriculture Land Reform Code

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

– pinapatupad ng bats na ito na pinapalaya ang mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ang kanilang lupang sinasaka.

A

Batas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

– ang pagsasaka ay binibigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya (5) ng lupaing walang patubig at tatlong (3) kapag may patubig.

A

Batas ng Pangulo Blg. 27

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
18
Q

– kilala sa tinatawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Cory Aquino noong Hunyo 20, 1988 na sinasabing ipinasailalim ng batas ang lahat ng publiko at pribadong lupang agricultural na napapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL).

A

Batas Republika Blg. 6657 ng 1988

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
19
Q

Sa ilalim ng o mas kilala sa tawag na “_____________________________”, ang mga maliliit na
magsasaka ay binibigyan ng karapatan ng estado upang pag-ibayuhin ang kanilang mga kapakanan.

A

Magna Carta for Small Farmers

20
Q

Ang mga magsasakang nabibilang sa kategoryang “______” ay ‘yung mga magsasaka na ang pangunahing pinagkakakitaan ay ang pagsasaka ng kanilang maliit na lupain at ang mga pinagbentahan, pinagpalitan ng kanilang mga produktong lupa ay hindi hihigit sa P180,000 kada taon base noong 1992 na presyo.

A

small farmer

21
Q

Ang income level na ito ay pag-aaralan ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of
Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF) at ng National Economic and Development Authority (NEDA) base sa epekto ng inflation rate at presyo sa pamilihan. Ang kaukulang halaga ng income level ay maaaring palitan ayon na rin sa pag-aaral ng _________.

A

DAR

22
Q

Maraming mga manggagawang Pilipino ang humaharap sa iba’t ibang uri ng hamon sa paggawa. Ayon sa lektura ni __________________ narito ang mga pangkaraniwan at magkakaugnay na suliranin sa isyu
ng paggawa sa Pilipinas:

  • mababang pagsahod
  • iskemang subcontracting
  • Kontraktwalisasyon
  • Mura at Flexible Labor
  • Underemployment
  • Unemployment
  • Brain drain
A

Prof. Jensen DG. Mañebog

23
Q

Sa buwan ng Hunyo 2021, ang minimum wage sa National Capital region ay 433.06 para sa non-agriculture at 403.23 naman para sa agriculture. Pinakamababa sa lahat ng rehiyon ang sa Rehiyon
V na 231.17 lamang para sa agriculture at non-agriculture.

A

Mababang pasahod

24
Q

Sinasabi ng marami na sa mahal ng bilihin sa kasalukuyan, gaano na lamang ang mabibili ng
nakatakdang minimum wage. Ayon naman sa mga kumpanya, kung tataasan pa ang itinatakda ng
minimum wage ay baka mapilitan naman silang magsara dahil liliit o mawawala na umano ang
kanilang tubo.

A

Mababang pasahod

25
Q

_____________________ ang tawag sa sistema ng paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya, mga indibidwal, o isa pang kompanya bilang subcontractor upang isagawa ang isang trabaho o serbisyo o bahagi ng isang proyekto sa isang takdang panahon.

A

Iskemang Subcontracting

26
Q

Ganunpaman, may mga uri ng subcontracting kung saan ang mga manggagawa ay walang seguridad sa trabaho. Sa mga proyektong ginagawa ng subcontractor, ang mga manggagawa ay karaniwang mga “kontraktwal.” Samakatuwid, ang iskemang subcontracting ay salik sa pagdami ng mga kaso ng kontraktwalisasyon.

A

Iskemang Subcontracting

27
Q

Sa istadong “kontraktwal,” ang isang nagtatrabaho ay napagkakaitan ng relasyong employeremployee sa pagitan niya at ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Ang isang kontraktwal na manggagawa ay hindi kandidatong maging “regular employee” sa isang kompanya. Sa pamamagitan ng kontraktwalisasyon, naiiwasan ng mga namumuhunan ang pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth, at iba pa. Hindi rin natatamasa ng mga manggagawang kontraktwal
ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining Agreement (CBA) dahil hindi naman sila bahagi ng bargaining unit

A

Kontraktwalisasyon

28
Q

Sa ating bansa, lumaganap ang ___________________ dahil sa Herrera Law o mga rebisyon sa Labor Code ng Pilipinas sa panahon ng dating pangulong Corazon Aquino.
Ang mga probisyon sa Artikulo 106-109 ng batas na ito ay nagbigay permiso sa mga iskemang contracting at sub-contracting.
May mga unyon at pederasyon ng mga manggagawa sa pampubliko at pampribadong sektor na nagsusulong na ipagbawal ng pamahalaan ang kontraktwalisasyon, na kilala rin ngayon sa tawag na “endo” (mula sa “end of contract”). Giit nila, ang kontraktwalisasyon ay isang paraan upang makakuha ang mga namumuhunan ng mga magtatrabaho na may mababang sahod, walang mga benepisyo, at walang seguridad sa trabaho—na ang lundo ay ang pagkakaroon ng ng kompanya ng mas malaking tubo.

A

Kontraktwalisasyon

29
Q

Tumutukoy ito sa pagpapatupad ng mga kompanya ng mababang pasahod at paglimita sa oras
ng paggawa ng mga manggagawa upang palakihin ang kinikita ng mga namumuhunan. Ang ilang anyo
ng sistemang ito ay ang pagpapatupad ng kulang sa walong oras na paggawa at wala o maliit na bayad para sa overtime.

A

Mura at Flexible Labor

30
Q

Lumaganap ang sistemang ito nang yakapin ng Pilipinas ang globalisasyon at gawing bukas
para sa mga dayuhang mamumuhunan ang paggawa (labor) sa bansa. Sa pamamagitan ng mga naipasang batas na nagbibigay ng halos buong kapangyarihan sa mga namumuhunan (gaya ng RA
6715 o ang Herrera Law), madaling naipataw ng mga kapitalista—lokal man o dayuhan—ang
patakarang mura at flexible labor.

A

Mura at Flexible Labor

31
Q

Ginamit ng mga kompanya ang probisyon ng batas ukol sa kaswal, kontraktwal, temporary,
seasonal, at on the job training na paggawa upang maipatupad ang mura at flexible labor

A

Mura at Flexible Labor

32
Q

ay nangyayari kapag ang isang tao ay hindi nagtatrabaho nang “full
time” o tumatanggap ng trabaho na hindi sumasalamin sa kaniyang tunay na pagsasanay o edukasyon
o kaya nama’y hindi nakatutugon sa tunay niyang pangangailangang pinansiyal.

A

underemployment

33
Q

ang isang tao na gumagawa ng isang uri ng trabaho kung saan ay hindi lubos na nagagamit ang kaniyang tinapos na kurso o pagsasanay, gayon din ang may trabaho nga subalit ang paggawa ay mas mababa sa “full time.”

A

underemployment

34
Q

Maraming Pilipino ang may trabaho nga subalit maituturing na underemployed. Sila ay
nahahati sa tatlong karaniwang mga kategorya, tulad ng sumusunod:
a. mga may kasanayang manggagawa na nasa mga trabahong mababa ang kita (skilled workers
in low-income jobs
b. mga may kasanayang manggagawa na nasa mga trabaho na hindi ganap na gumagamit ng
kanilang mga kasanayan o edukasyon (skilled workers in jobs that do not fully utilize their
skills); at
c. mga part-time na manggagawa na gusto naman sanang magtrabaho ng full-time (part-time
workers who would rather work full-time).
Ayon sa ilang reperensiya, kasama rin sa underemployment ang mga taong may full-time na
trabaho ngunit nasa ilalim ng poverty line. Kilala sila bilang “nagtatrabahong mahirap” (“working
poor”)

A

underemployment

35
Q

Ang ___________sa Pilipinas ay laganap sa mahihirap na rehiyon at sa mga lalawigan na ang pangunahing hanapbuhay ay agrikultural. Ang mga Pilipinong _____________ay nangangailangan ng dagdag oras sa pagtatrabaho, o dagdag na hanapbuhay, o bagong trabaho na may mahabang oras ng paggawa.

A

underemployment

36
Q

Ang underemployed ay iba sa ______________, na tumutukoy naman sa mga tao na hindi talaga
nagtatrabaho sa kasalukuyan

A

unemployed

37
Q

Dahil sa kawalan ng pagkakataon para sa marangal na trabaho sa Pilipinas, palaki nang palaki
ang bilang ng Pilipinong nangingibang bansa para maghanapbuhay. Tinatayang isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang umaalis ng bansa taon-taon

Sa isang banda, nakatutulong nang malaki ang mga OFW sa ekonomiya ng bansa—dahil sa
kitang ipinapasok nila sa bansa ay hindi sumasadsad ang ekonomiya nito kahit na pa dumaan ito sa
mga krisis. Kaya naman ang mga OFW na ngayon ang itinuturing na mga bagong bayani.

A

unemployed

38
Q

ang terminong ginagamit upang ilarawan ang pagkaubos ng lakas paggawa sa isang
bansa. Ito ay aplikable lalo na sa mga mga propesyonal na tao, mga may kasanayang manggagawa
(skilled workers), at iba pang mga matatalino o maalam na mga mamamayan ng isang bansa na
lumilipat sa ibang bansa upang duon magtrabaho.
Maraming Pilipino ang umaalis ng bansa at pinipiling magtrabaho sa ibang bansa para sa mas
mataas na sahod at mas magagandang oportunidad. Ang ilang halimbawa ng brain drain ay ang pagtatrabaho ng mga Pilipinong inhinyero sa Middle East at pagtatrabaho ng mga Pilipinong nurses sa Canada

A

brain drain

39
Q

Mga Karapatan ng mga Manggagawa ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas______________

A

(1987 Philippine Constitution)

40
Q

Katarungang Panlipunan at mga Karapatang Pantao sa Paggawa
Sek. 3 Dapat magkaloob ang estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa local at sa ibayong dagat,
organisado at di organisado at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa
trabaho empleyo para sa lahat.
Dapat itaguyod ng Estado ang manggagawa sa prinsipyong hatiang pananagutan ng mga naitadhana
ng ating Saligang manggagawa, mga employer at ang batas preprensiyal na paggamit ng boluntaryong mga
pamamaraan ng pagsasaayos sa mga hidwaan, kabilang ang konsilyasyon, at dapat ipatupad ang pagtalima
rito ng isa’t isa upang maisulong ang katiwasayang industriyal.
Dapat regulahin ng Estado ang ugnayan ng mga manggagawa at mga employer, dahil sa pagkilala sa
karapatan ng pagggawa sa karampatang bahagi nito sa mga bunga ng produksiyon at sa karapatan ng mga
negosyo sa makatwirang tubo sa mga pamumuhunan, paglawak at paglago

A

Artikulo XIII sek 3

41
Q

Isinasaad dito ang mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o minimum
wage na naaangkop sa iba’t ibang pang industriyang sector na kinabibilangan ng sumusunod:
 hindi pang agrikultura (non agriculture)
 plantasyong pang agrikultura at di pamplantasyon
 cottage/ sining sa pagyari sa kamay
 pagtitingi/ sebisyo depende sa bilang ng mga manggagawa o puhunan o taunang kita sa
ilang mga sector

A

Republic act no. 6727

42
Q

___________________________
Ito ay tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa katumbas ng isang (1) araw na sahod kahit
hindi pumasok sa araw ng pista opisyal

A

Dagdag na bayad tuwing pista opisyal (Holiday Pay–Artikulo 94)

43
Q

________________________
Ito ay karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong (8) oras na trabaho sa araw ng
pahinga at special days

A

Dagdag na bayad tuwing Araw ng Pahinga o Special Day (Premium Pay –Artikulo 91 –93)

44
Q

____________________
Ito ay karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa walong (8) oras sa isang araw

A

Dagdag na bayad para sa trabaho ng lampas sa walong oras (Overtime Pay –Arikulo 87)

45
Q

__________________________
Ito ay karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa sampong porsiyento (10
percent) ng kaniyang regular na sahod sa bawat oras na ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi
at ikaanim ng umaga.

A

Dagdag na bayad sa Pagtatrabaho sa gabi (Night shift Differential –Artikulo 86)

46
Q

Ang _________________________________, sa ganang sarili nito, ay hindi masama. Bilang katunayan, ito ay umiiral at pinapayagan, at nagbubukas din ito ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho.

A

iskemang subcontracting