aralin 5 & 6 Flashcards
Ito ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag angdamdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.
tula
Ito ay isang anyo ng tula na may sukat at tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.
Tradisyon
Isang tula nang walang sinusunod na patakaran kung hindi anumang naisin ng sumulat.
Malayang Taludturan
Ito ay tula na may sukat ngunit walang tugma
Berso Blangko
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud na bumubuo sa isang saknong.
Sukat
Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtud)
saknong
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Una, ikalawa at ikatlong panauhan.
persona
Ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtud ay magkasintunog.
tugma
Ito ay ang maririkit na salita na pumupukaw sa damdamin at kawilihan.
kariktan
Ito ay mga salita na di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit, mga salita na nakatago
ang kahulugan.
Talinghaga
Nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak.
Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin
Naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag ibig, pagkabigo at
tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
Tulang Pasalaysay
Ito ay tulang nagbibigay aliw sa mga taong namatayan, at nagbibigay pagpapahalaga sa taong
pumanaw.
Tulang Patnigan
Binibigkas ng mga tauhan ang kanilang diyalogo sa paraang patula. Maaring isama sa uring ito
ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
Tulang Pantanghalan
Ang _______ ay may labindalawang pantig at mabagal ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinawag
na adante
awit
Ang _______ ay tungkol sa bayani, mandirigma at larawan ng buhay
awit
Ang mga tauhan sa ______ ay walang kapangyarihan subalit humaharap rin sila sa matinding pakikipagsapalaran. Karaniwang ito ay sumasalamin sa pangyayari sa tunay na buhay.
awit
Ang sikat na halimbawa ng isang awit ay ang ______________________
Florante at Laura
Ang _______ ay may walong pantig at mabilis ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinatawag na
allegro
korido