Aralin 6 Flashcards
Pangungusap na walang banghay (one-word sentence)
Halimbawa:
Takbo!
Umuulan!
Kidlat!
Sunog!
Baha!
Magnanakaw!
Baba!
Kayarian ng pangungusap
1.Payak (simple sentence)
2.Tambalan (compound sentence)
3.Hugnayan (complex sentence)
4.Langkapan (compound-complex sentence)
Payak na pangungusap
Ito ay pangungusap na nagsasaadmng iisang diwa o kaisipan at may iisang paksa at iisang panaguri
Halimbawa:
1.Ang taong tapat ay napaparangalan
2.Tapat sa tungkulin si Col. Carol C. Dreo.
Kayarian ng payak na pangungusap
a. Payak na simuno at payak na panaguri
b. Tambalang simuno
c. Payak na simuno at payak na panaguri
d. Tambalang simuno at tambalang panaguri
Payak na simuno at payak na panaguri
Halimbawa:
1.Ang bata ay masipag.
2.Mapagmahal s Nanay.
Tambalang simuno at payak na panaguri
Halimbawa:
1.Sina Itay at Inay ay mapagmahal.
2.Matulungin sina Kuya at Ate.
Payak na simuno at tambalang panaguri
Halimbawa:
1.Ang mga magulang ay mapagmahal at maunawain.
2.Si Omeng ay masipag at madasalin.
Tambalang simuno at tambalang panaguri
Halimbawa:
1.Ang aklat at lapis ay mahalaga at kapakinabang sa pag-aaral.
2.Ang orkiyas at dahila ay magaganda at matitimyas ang kulay.
Malayang sugnay o sugnay na nakapag-iisa (independent clause)
Nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.
Di malayang sugnay o sugnay na di-nakapag-iisa (dependent clause)
Walang sariling diwa o buong kaisipan.
Tambalang pangungusap
Ito ang pangungusap na may higit sa dalawang kaisipan. Binunuo ito ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa (independent clause) at pinag-uugnay ito ng mga pangating (conjuction)
Halimbawa:
1.Pastor ang kanyang ama at guro ang kanyang ina.
2.Masinop sa gamit si Rene at maingat sa aklat si Romy.
Hugnayang pangungusap
Ito wng pangungusap na binubuo ng malayang sugnay o sugnay na nakapag-iisa (independent clause) at sugnay na di-nakapag-iisa (dependent clause) na ginagamitan ng pangating (conjunction)
Halimbawa:
1.Sa Pilipinas kumukuha ng yamang-lupa ang dayuhan kaya dapat tayong bigyan ng pagkakataong umunlad dahil karapatan ito ng mga mamamayang Pilipino.
2.Maraming magigiting na bayani ang nagbuwis ng bahay sa Pilipinas ngunit tila nakakalimutan na ito ng matatandan at mga kabataan sa henerasyon ngayon.
Langkapan na pangungusap
Ito ang pangungusap na binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa (independe clause) at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa (dependent clause)
Halimbawa:
1.Ang Biblia ay mahalaga dahil nagsisilbi ang Salita ng Dios bilang ating patnubay sa pang-araw-araw na pamumuhay kaya dapat natin itong basahin, unawain, at ipamuhay.
2.Ang karunungan ay nagmumulas sa Dios at makukuha ang katalinuhan sa pamumuhay sanpagbabasa ng Salita ng Dios ngunit ito ay hindi matatanggapnng taong walang paniniwala sa Kanya o ayaw magbasa ng Biblia.