Aralin 3 Flashcards
Intonasyon
Ang intonasyon ay ang pagbaba at pagtaas ng tono (tone) sa pagbigkas ng mga salita at pangungusap
Translated:Intonation is the lowering and raising of tone in pronunciation of words and sentences
Tono
Ang tono ay ang pagtass o pagbabang bigkas ng pantig (syllable) ng mga salita upang higit na maging marisa ang pagsasalita at pakikipagusap
Translated:The tone is the accentuation or lowering of the pronunciation of the syllables of the words to be more spicy
Gamit ng tono
- Sila ay kumakain. (pababa)
- Kakain na. (pantay)
- Kakain na! (pataas)
Diin (stress)
Ang diin ay ang tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa pantig (syllable) ng salita. Ang mga iisa ang baybay (spell) ngunit magkaiba ang kahulugan ay makikita lamang sa pagkakaiba ng diin sa pantig ng salita kapag binibigkas
Halimbawa:
1. “Kung magaling ka, ubusin ypmo yung hamòn,” (pagkain)
ang hamon ng matanda sa binata.” (challenge)
2. Ukà ang mga kalsada dahil sa baha. (butas)
May uka ang kanyang buhok. (gupit)
3. Maasim ang sukà. (panimpla)
Mabaho ang suka. (vomit)
4. Also hindi asò ang tumahol
(aso ay hayop; asò ay usok)
5. Mahaba ang ka yang saya. (palda)
Ang sayà ng bata. (tuwa)
Mga uri ng salitang ayos sa diin (words pronunciation)
1.Malamay
2.Malumi
3.Mabilis
4.Maragsa
Malumay
Ito ay binibigkas na madalas na may diin sa ikalawang pantig (syllable) mule sa huli. Ito ay hindi tunutuldikan (accent mark). Ang mga salitang ito ay maaring magtapos sa patinig (vowel) o katinig (consonant)
Halimbawa:
lipunan
ligaya
larawan
tao
silangan
kanluran
Malumi
Ito ay binibigkas ng banayad tulad ng malumay na may diin sa ikalawang pantig (syllable) mula sa huli. Ito ay tinutuldikin ng paiwa (`) sa ibabaw ng huling pantig. Nagtatapos ang mga salitang malumi sa patinig (vowel). Ito rin ay may i pit sa dulo.
Halimbawa:
diwà
lahì
dalamhatì
dakilà
balità
tubò
Mabilis
Ito ay binibigkas ng tuloy-tuloy na maluwang sa lalamunan. Ang diin ng mga salitang mabilis ay nasa huling pantig (syllable). Ito ay nilalagyan ng tuldik na pahilis (‘) (acute accent) na itinatapat sa huling pantig
Halimbawa:
tigmák
batobató
bulaklák
alagád
bumilí
patíng
malakás
kalakíp
tapát
lakás
Maragsa
Ito ay binibigkas ñ ang tuloy-tuloy na ang huling pantig (syllable) ng salita ay may impit. Ito ay lagging nagtatapos sa patinig (vowel). Ito ay tinutuldikan ng pakyupa (^) (circumflex accent) na itinatapat sa huling pantig ng salita. Ito rin ay may impit sa dulo.
Halimbawa:
yugtô
dugô
butikî
maralitâ
kaliwâ
tansô
palasô
Pangungusap
Ang pangungusap ay isang salita o lipton ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Nagsisimula ito sa malaking letra at natatapos sa bantas. Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi ng simuno (subject) at panaguri (predicate)
Simuno
Ang simuno ay tumutukoy sa paksa o pinaguusapan sa loob ng pangungusap. Ang buong paksa o buong simuno ay ang mga salitang madalas ganagamit ng mga panandang “ang”, “ang mga”, “si”, o “sina”
Panaguri
Ang panaguri o buong panaguri ay tumutukoy sa bahagi ng pangungusap na naglalarawan o nagsasabi ng tungkol sa simuno (subject) o paksa
Bahagi ng pangungusap (parts of a sentence)
Halimbawa:
1. Ang talumpati ay isang uri ng pampublikong panitikan.
Simuno= ang talumpati
Panaguri=uri ng pampublikong panitikan
- Ang pagpapahalaga sa mga gamit ay tanda ng batang maingat.
Simuno=ang pagpapahanda sa gamit
Panaguri=tanda ng batang maingat - Aangat sa buhay ang taong masipag.
Simuno=ang taong masipag
Panaguri=aangat sa buhay
4.Mabilis na nagpaunahan ang mga kasali sa marathon.
Simuno=ang mga kasali sa marathon
Panaguri=mabilis na nagpaunahan
5.Si Linda ay masunurin at mabait na anak sa kanyang magulang.
Simuno=Linda
Panaguri=masunurin at mabait na anak sa kanyang magulang