aralin 5 pt 2 Flashcards

1
Q

-Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley
Beyer, isang Amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong
dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang mga grupo ng Negrito, Indones,
at Malay.

A

TEORYO NG PANDARAYUHAN

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino ang Teorya ng Pandarayuhan mula sa
rehiyong Austronesyano. Pinaniniwalaanng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian.
Ang Austronesian ay hinango sa salitang Latin na auster na nangangahulugang “sound wind” at nesos na ang ibig
sabihin ay “isla.”

May dalawang pinaniniwalaang teorya kung saan nagmula ang mga Austronesian. Ayon kay Wilheim Solheim II,
Ama ng Arkeolohiya ng Timog-Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes
na tinatawag na Nusantao.

Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon, at pag-aasawa ay kumalat ang mga Austronesian sa iba’t ibang panig ng
rehiyon. Ayon naman kay Peter Bellwood ng Australia National University, ang mga Austronesian ay nagmula sa
Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC.

A

TEORYA NG PANDARAYUHAN MULA SA REHIYONG
AUSTRONESYANO

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly